Pinoy Showbiz Update:

Gerald Santos nagpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya. Ayon kay Gerald unti-unti na niyang nakukuha ang hustisya sa nangyaring pang-aabuso sa kanya noon.

“Attended the Senate Hearing for the 2nd time.. Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng message of encouragement at support nyo sa akin🙏 Naaappreciate ko po ang lahat ng messages nyo sadyang hindi ko lang masagot sa dami❤️🙏

Ang luwag sa dibdib ko ngayon na aking pinangalanan na ang umabuso sa akin kanina sa Senado.. Unti unti ay nakakamit ko na ang hustisya at dadalin nanamin ito sa hukuman. Ang akin pong paglabas tungkol dito should not be a lost cause.. Ito sana ay magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga biktima ng Sexual Abuse na hindi ninyo kailangang matakot dahil now more than ever ay naaalis na ang stigma at pangmamata sa mga biktima ng ganitong karahasan.

At sa mga taong gumagawa ng hindi tama at inaabuso ang kanilang posisyon, bilang na ang mga araw ninyo. This is a stern warning sa inyo na walang lihim ang hindi mabubunyag!

#advocacy #fight #pray #legal #geraldsantos #sandromuhlach

IG thegeraldsantos