Pinoy history:

Isang grupo ng mga kabataan ang nagsipagtapos sa isang eksklusibong paaralan sa Maynila at nangakong magsasama-sama pa rin hanggang sa pagtungtong sa kolehiyo, ang grupo ay may miyembro ng tatlong lalake at ang tinuturing nilang “one of the boys” na si Jenny.

Nagkaroon sila ng pagkakataong maipasa ang pagsusulit sa isang prominenteng pamantasan sa Maynila at sabay-sabay na pumasok doon, ang pinagkaiba lang ni Jenny ay hindi nito pagkuha ng kursong Nursing, sa halip pinili nya ang kursong Political Science.

Makalipas ang apat na taon, sila’y sabay-sabay na nagtapos at muling nag-aral sa pareho ding pamantasan, si Jenny ay kumuha ng Law at ang tatlong mga kaibigan nito ay Medicine at Surgery.

Isang pagkakaibigan na sinukat na ng panahon, ilang taong kulitan, bulyawan, bastusan at walang sawang gimick nang magkakasama, nagkakwetuhan ang apat tungkol sa dahilan ni Jenny sa ‘di pagkuha nito ng Medicine, na hindi nito gusto makakita ng dugo ng mga patay na hayop at maging patay na tao na pinagaaralan ng kanyang mga kaibigan. Pathology ang sunod na balak nilang i-focus pagkatapos nila mag-Medicine dahil kulang raw ang bansa sa ganitong uri ng trabaho.

Isang hapon, pinuntahan ni Jenny ang mga kabigan sa Ospital kung saan sila nag-te-training at dinalhan ng pagkain mula sa fastfood, hanggang pinagkaisahan ng tatlo na itulak si Jenny sa isang silid na may isang labi, ginawa daw nila ito para mawala ang takot ni Jenny sa mga patay.

Nagtatawanan pa ang tatlo at iniwan si Jenny na umiiyak na pilit pinabubukas ang sinara nilang pinto, humahalakhak pa sila ng sabay-sabay at may pagsambit pa na sigurado daw sila na pagkatapos n’un ay malamang wala na itong phobia sa mga patay.

Nang biglang pinatawag sila ng kanilang trainor para sa isang discussion, naiwan pa ng maraming minuto si Jenny sa loob, at makalipas ang 45 minuto, binuksan nilang dahan-dahan ang Morgue, nakita nila ang silid na sobrang tahimik na at hindi na nila makita ang kaibigan, nagimbal silang pare-pareho ng makita nila na wala na ang patay sa lamesa.

Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang telang nakatakip sa ilalim ng mesa kung saan kanina lamang ay nasa ibabaw ang patay, laking gulat nila na si Jenny ay kinakain na ang braso ng bangkay na halos kita na ang mga buto, nanlilisik ang mga mata ni Jenny habang unti-unting kinakain ang nabubulok na laman ng patay.

Biglang tumakbo palabas ng morgue si Jenny na hawak pa ang naputol na braso ng patay, takbo ng takbo hanggang sa hinabol ng magkakabigan, tila nawala na sa sarili at parang ang balis na mabaliw, nagwawala habang duguan ang katawan, bigla na lamang itong tumalon sa bintana na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa mga doktor, hindi kinaya ni Jenny ang takot nito sa patay na maaaring sanhi ng pagkawala nito sa sarili, ngunit hinala ng faculty may mas malalim na dahilan o karanasan ang dalaga tungkol sa mga patay. Ang tatlong lalake ay hindi na nagpakita pa magmula noon at pare-parehong hindi tinapos ang Medisina sa naturang pamantasan. Dahil maimpluwensya’t mayaman ang pamilya ng tatlo, naisara ang kasong ito at pinalabas na lamang na aksidente ang pagkamatay ni Jenny.

Sa tindi ng misteryo at kababalaghan sa kwartong iyon, makalipas ang pitong taon, tuluyan nang isinara ng School-Hospital ang bahaging ito noong 2011 kung saan nilagyan na ito ng pader at sinimento.

Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin matigil ang kilabot sa bahagi ng ospital na ito, kung saan naririnig pa rin ang isang babaeng sumisigaw, umiiyak na tila nagmamakawa, mga hampas sa dingding at maging ang madalas na pagkabasag ng ilang mga gamit sa katabing sinarang silid, maging mga marka ng dugo na hindi maipaliwanag sa hallway ay nanatiling misteryo, isang pangyayari na totoong naganap noong September 2, 2004.

Hanggat ‘di nabibigyang katarungan ang dalaga, patuloy na magpaparamdam si Jenny sa sinumang daraan malapit sa sinarang silid na iyon 20 years ago.