Pinoy history:

MGA PINOY NA SAKAY NG TITANIC?

Taong 1912, ang una at huling byahe ng kinilalang pinakamalaking pampasaherong barko noong panahong iyon, ang Titanic. 2,224 ang naging pasahero nito kasama ang mga crew ng barko, higit 1,500 naman ang mga namatay dahil sa lamig ng tubig sa gitna ng Atlantic Ocean, 705 ang nakaligtas sa paglubog na iyon.

Agad na nagkaroon ng malawakang imbestigasyon sa Britanya, ayon sa isang saksi ilan daw sa gustong makaligtas ay nagdamit babae pa, nabanggit din n’ya, na ito ay mga Filipino na diumanoy walang record sa barko. “Nakita ko ang apat na lalakeng Filipino, isa sila sa 39 na nasumiksik sa mga life boat, nakatago sila sa ilalim ng mga upuan bago pa kami maligtas ng mas malaking barkong Carpathia.”

Sa protocol meron ang barko noong panahong iyon, makikita talagang kulang mga lifeboats dahil ayon sa may gawa nito, sapat lamang ang bilang para in case magkaroon nga ng disgrasya ay makakalipat naman ang mga pasahero sa sasagip na barko at pweding bumalik-balik, ngunit walang barkong sumaklolo sa oras ng paglubog.

Inuuna rin ang mga bata ang kababaihan sa mga lifeboat, dahilan para magbihis babae ang mga sinabing mga Filipino.

Sa pagsisiyasat, ang dahilan ng paglubog ng Titanic ay ang tinatawag na phenomena sa dagat bilang ‘Mirage’ kinukubli sa ating mga mata ang tunay na dapat nakikita ng tao, noong oras na nagsanib ang napakalamig na hangin mula sa Greenland at tubig ng Atlantic, nabuo ang ‘Mirage’, diretyong itim lamang na dagat ang nakikita, kaya nabigla na lamang ang tagapagbantay ng barko nang biglang sumulpot ang malaking Iceberg na tinago ng Mirage Phenomena.

Dahil rin sa Mirage, hindi barkong pampasahero ang nakita ng nagiisang barkong dumaan kasabay ng Titanic, kinubli ng Mirage ang itsura ng barko dahilan para hindi makita ang signal ng paghingi ng saklolo ng Titanic, na ilang milya lamang ang layo.

Sa huli, hindi pala talaga Filipino ang nasabing apat na lalakeng nakaligtas, kundi mga Chinese, pitong Chinese National ang nakarehistro at sumakay pa-Amerika, anim dito ay nakaligtas at isa sa Chinese ay kasamang namatay sa ginaw.

Nasabi lamang ng saksi na Filipino ang mga ito, dahil may lahing chinese o tsinito talaga ang ating pagkakakilanlan noon, panahon kung saan sakop ang Pilipinas ng Amerika. Kung mayroon mang pasahero talaga na may kaugnayan sa Pilipinas, ito ay si Major Archilab Butt, na isa sa US Army sa Pilipinas.

SOURCE: Titanic Voices by Hannah Holman
Amberley Publishing; 2013