Pinoy history:

Ito ang sagot ng Pinoy History tungkol kay Sir Val Santos Matubang mula sa kanyang Youtube live-stream broascast na may petsang April 14, 2024.

1. Saan daw kumuha ang data ang team kung bakit nag-number 1 si Kinglucks sa pagiging Most Inspirational Vlogger?

Malinaw na nakalagay sa sistema na pagpili na bukod sa pag-e-edit at paggawa ng kwento sa kanyang vlog, s’ya ang pinaka naging inspirasyon sa 2023, bukod po sa millions of views, followers at dagsang loved emoji, kahanga-hanga po ang kanyang adhikain na makatulong kahit wala na halos natitira sa kanyang mga revenues.
https://www.facebook.com/share/BhM6cVejN1xjsTCJ/?mibextid=WC7FNe

2. Dagdag ni Mr. Val Matubang, bakit daw hindi kasama sa Top 6 si Archie Hilario ng Aklan sa Most Inspirational?

Hindi po kasama si Archie Hilario dahil iba ang kanyang content at naka-kategorya bilang Documentary vlogger, sa Documentary po s’ya kasali hindi sa Top 6 Most Inspirational, sa Top 6 Best Documentary Vlogger s’ya napabilang dahil ang kanyang mga vidoes ay tungkol sa mga balita sa kanyang nasasakupan, kasama na doon ang mga bawat kwento ng mga taong tinampok n’ya sa video na ala-I-witness, kaya hindi nalimutan ng team ang galing ng isang Archie Hilario. Isa pa Mr. Val, ang tawag po sa Award na ito ay Most Inspirational Vloggers, hindi ho ‘Best in Charity Vlogger’ gaya ng ilang ulit n’yong sinasabi sa Video n’yo.
https://www.facebook.com/share/9VoyRDpFN3M9Rhbu/?mibextid=WC7FNe

3. Dagdag pa po ni Mr. Val, ano ba daw ang Achievement ni Kinglucks? Kalabaw?

Walo ho sa liit, dami o laki ng isang bagay ang punto ng listahan, o mga nagawa ng isang vlogger, ang tanong po doon ay sino ang mas nakapag-inspire sa lahat ng mga netizen, sino ang mas maraming naka-pag-touch ng puso sa mga manunuod?

4. Ang sabi n’yo po Mr. Val, walang karapatan mag-survey ang Pinoy History Team, dahil ayon nga po sa inyo na kayo ang lang ang may karapatan na mamili ng Best Charity!

Wala rin hong pumipigil sa inyo Sir na mag-come-up kayo ng sarili n’yong research, kayo po ang manaliksik ng sarili nyong Top list, wala hong pumipigil sa inyo. Hindi po ang Pinoy History ang may-ari ng Internet o may-ari ng Facebook, may kalayaan po tayong gawin ang isang bagay. Ang tao o publiko ang magsasabi at makakapuna kung may mali sa isang post.

5. Mga Bayot daw ang Editor ng Pinoy History, dahil mga gwapo lang daw ang mga nasa listahan at nagsama pa daw kami ng baklang vlogger na isa sa Top 6 Most Inspirational, pinatutungkulan ni Sir Val si Virgelyncare 2.0!

Sir Val, Homophobic po ba kayo? ano ho bang problema n’yo sa mga bakla? Ano naman ho kung lalake o bakla si Virgelyncare 2.0, dahil ho ba bakla s’ya hindi na natin s’ya re-respetuhin? kailangan ho ba nating maliitin ang isang tao dahil lang sa Gender n’ya? na tulad din naman ho ng hangarin ng inyong mga videos, ang makatulong.

6. Lutang ang Pinoy HIstory, sabi n’yo po!

Pinaghihirapan po ng team ang bawat edit sa mga larawan dito kahit pa wala kaming kinikita, pero ang nasa isip namin ngayon ay kayo po Mr Val, ganyan ho talaga ba ang isang ‘charity vlogger’ na magsalita? gaya ng ‘lutang’, ‘bayot’, ‘maepal’, ‘lunukin n’yo lilong n’yo’ at kung ano-ano pa? Taong maraming charity videos pero tila hindi makitaan ng paggamit ng tamang mga salita?

Kami ang team na hindi bias, hindi kami isang “Basher” mo Mr. Val Santos Matubang, sadyang kailangan lamang naming sagutin ang inyong mga sinabi, hangad ho ng team ang karagdagan pang kalakasan ninyo, para sa pagtulong n’yo pa sa iba, ngunit sana lamang ho maging sensitibo kayo sa mga salitang ginagamit n’yo bilang isa sa sinasabing ‘Charity Vlogger’ na dapat ay unang nakikitaan ng mahabang pasensya at kababaang-loob. https://www.facebook.com/share/pxjYCU1VVZ9Cbojx/?mibextid=WC7FNe

Maraming Salamat po
Head Admin, Pinoy History.