Pinoy history:

Isa kami sa nalungkot, na sa kabila ng positibong dala ng isang Doc Willie Ong, at sa kabila ng kahusayan n’ya sa larangan ng medesina hindi s’ya naging ligtas sa takbo ng kapalaran, sinong mag-aakala na isa s’ya sa ekspertong dadapuan ng karamdamam.

At sa kanyang pahayag, kahit pa ang napaka-succesful na tao, nagdadamdam din sa masasakit na comments na pinagisipan pa s’yang nanggagamit ng followers, isa lamang ang masasabi namin sa mga followers na gaya nila, kayo ay peke at walang ginawa kundi ang mamuna ng mga taong malinis ang hangarin sa Social media.

Gagaling ka Doc Willie Ong, Salamat sa pagpansin din sa aming team, ikaw ang the most watched/viewed facebook page ng 2023 at Best Informative and Educational vlogger na tatatak forever sa aming mga puso, hangad po namin ang inyong mabilisang paggaling. Salamat po sa nakakatabang mensahe sa Pinoy History.

“Nakakabilib ang tibay at linis ng loob at konsyensya nitong mga Admins para tanggihan at maraming offers (I’m sure) sa kanila mula sa mayayamang negosyante, pulitiko at iba pa.

May isang accomplishment ang nagawa nitong Pinoy History page na hindi nagagawa ng iba. Maraming mga sikat na award-giving organizations na may budget, sikat na judges, at awarding nights with sponsors.

Pero bakit hindi nag-vi-viral ang posts ng mga nanalo? Ano mayroon. Pero itong Pinoy History Kapag sila nag-post ng awards nila. Eh bakit Grabe ang pag-viral? Bakit nagtitiwala ang tao? Ehh Now anonymous sila.

Simple lang ang sagot. Dahil nararamdaman ng mga tao na tunay na objective sila. Ang motto ko nga: “If it comes from the heart, it will go viral.” Pag galing yan sa malinis na puso, mag-vi-viral yan.

Ano masasabi ko sa mga parangal nila sa akin? Maraming salamat Admins, pa-retire na ako.
Naghahanap ako ng ma-te-train ng mga bagong influencers na papalit sa akin balang araw.
Yung tipong kasing-linis ng puso tulad ng mga Admins ng Pinoy History. God bless.” —Doc Willie Ong