Pinahihintulutan ng Commission on Elections (Comelec) ang billboard ng mga kandi

Pinahihintulutan ng Commission on Elections (Comelec) ang billboard ng mga kandidato para sa darating na midterm elections kung susunod sila mga patakaran, ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco nitong Lunes, Enero 13.

Ayon kay Laudiangco, dapat nakalagay sa mga private property ang nasabing billboard dahil bawal ito sa public property.

Sa mga national candidate, dapat isang kilometro ang layo ng bawat billboard habang 500 metro naman para sa billboard ng mga local candidate.

Idinagdag ng Comelec na ang duration ng billboard ng national candidates ay hanggang dalawang buwan habang sa local candidates naman ay isang buwan lamang.

May mahigpit na obligasyon ang billboard companies na isumite ang mga kontrata at resibo sa Comelec.

Samantala, ayon sa Korte Suprema, hindi pa maituturing na election offense ang maagang pangangampanya ng mga kandidato dahil magiging kandidato lamang sila simula sa unang araw ng campaign period.

Magsisimula ang campaign period para sa national candidates sa Pebrero 11 habang Marso 28 naman para sa local candidates.

#PilipinasToday
#COMELEC
#2025NLE
#COMELECGuidelines