Pilipinas today:

Nadiskubre ng COA na nabigo ang DepEd na maabot ang mga target nito noong 2023, gaya ng pagbili at pamamahagi ng mga kinakailangang libro at learning materials, sa panahong nangungulelat ang mga estudyanteng Pilipino sa math, science at reading comprehension sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Noong 2023, ang DepEd ay pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte hanggang sa magbitiw siya mula sa kagawaran noong Hunyo 19, 2024.

Ayon sa accomplishment report ng COA para sa DepEd noong 2023, may kabuuang 8,694,572 textbooks and instructional learning materials ang target na mabili, maimprenta at maipamahagi sa mga estudyante sa taong iyon, pero 1,870,061 lang ang aktuwal na naisakatuparan ng kagawaran, o 22 porsiyento lang ng target.

Bigo rin ang DepEd na makapag-hire ng kinakailangang dami ng mga guro, magpatayo ng dagdag na classrooms, at hindi rin naabot ang target na bilang ng mga estudyante sa public schools na dapat makinabang sa school-based feeding program ng kagawaran.

#PilipinasToday
#SaraDuterte
#VPSaraDuterte
#Duterte
#TheBigNews