Pilipinas today:

Bagamat may ilang kaso ng mpox na nagpositibo rin sa human immunodeficiency virus (HIV), nilinaw ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante nitong Linggo, Setyembre 1, na walang actual connection sa pagitan ng dalawang virus.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Solante na ang mga taong may ganitong uri ng pakikipagtalik ay may mataas na panganib na mahawa ng mpox dahil sa close at intimate na skin-to-skin contact.

“Talagang (sexually active individuals) lang ang high risk because of the behaviors siguro. Kasi sa mga ganitong klaseng ano na intimate ang exposure, so sila ‘yung nahawaan,” saad pa ni Solante.

Pahayag rin ng Department of Health (DOH) na ang mpox ay maaaring maipasa hindi lamang sa pamamagitan ng non-sexual skin-to-skin contact, kundi maging sa pamamagitan ng sexual encounters sa mga infected individuals.

#PilipinasToday
#Mpox
#HIV
#TheBigNews