Pilipinas today:

Muling nakatikim ang isang barko ng Pilipinas ng aggressive actions ng China matapos kuyugin ng mga Coast Guard vessels ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) na nagpapatrulya sa Escoda Shoal nitong Sabado, Agosto 31.

Ang Escoda Shoal ay may distansiyang 75 nautical miles mula sa Philippine baseline kaya ito ay pasok sa 200-mile Exclusive Economic Zone ng bansa. Ang BRP Teresa Magbanua ay nakaposisyon sa Escodal Shoal simula pa noong Abril 15 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, nagsimulang buntutan ng China Coast Guard at militia boats ang BRP Teresa Magbanua nang iangat nito ang angkla upang mag-patrulya sa Escoda dakong alas-8:30 ng umaga.

At nang mapansin ng mga China boats na unti-unti nang umuusad ang BRP Teresa Magbanua, agad nilang pinalibutan ito bago pinahan at sinadyang banggain sa bandang hulihan ng China Coast Guard vessel 5250.

Samantala, isa pang barko ng CCG na may marking 5202 ang biglang sumulpot at sinalpok sa gilid ang BRP Teresa Magbanua.

Nagtamo ng malaking butas sa gilid ang BRP Teresa Magbanua bunsod ng insidente.

“The National Maritime Council calls on the CCG to exercise restraint and prioritize the safety of vessels at sea and aircraft within our airspace,” pahayag ni retired Vice Admiral Alexander Lopez, tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC).

“China’s latest actions are uncalled for as the Philippine vessel was engaged in a peaceful and lawful patrol within its own maritime jurisdiction,” aniya.

#PilipinasToday
#PCG
#CCG
#EscodaShoal