Pia Wurtzbach warns netizens “harassing” Style Not Com

Nanawagan sa publiko si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na tigilan na ang pangha-harass at pamba-bash sa fashion site na Style Not Com.

Ito’y matapos ang kontrobersiyal na pagpu-post ni Pia sa Instagram ng video kuha sa Carolina Herrera show sa New York Fashion Week (NYFW).

Noong September 12, 2024, nag-post ng runway video sa Instagram si Pia na may caption na, “Color play at the @carolinaherrera runway [heart emoji]. How can one miss their signature hues, bright yellows and not to mention, the polka dots?”

Agad itong pinag-usapan dahil ang video na in-upload niya ay may pagkakahawig sa video na kuha ng Style Not Com.

Napag-alaman ding tatlong araw nang naka-post sa Instagram account ng Style Not Com ang nasabing video bago pa ito kunin ni Pia at i-upload sa kanyang Instagram account.

Dahil dito, inakusahan ng ilang netizens si Pia na diumano’y magnanakaw ng content dahil hindi niya ito nilagyan ng credit, gayong hindi pala sa kanya mismo galing ang video.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan pang akusasyong lumabas na si Pia ay hindi naman totoong imbitado sa Carolina Herrera fashion show kaya’t wala siyang mai-upload na video kuha sa runway.

STYLE NOT COM’s cryptic POST

Ilang araw matapos ang kontrobersiya, noong October 2, nag-post sa Instagram ang Style Not Com na pinaghihinalaan ng netizens na patama raw kay Pia.

Mababasa sa kanilang post: “Insert a photo of your fashion show seat with your name on (but, only if you are in the front row). Can’t insert a photo from the row show because you don’t have it. Insert anything that is very demure and very mindful.”

Bagamat walang sinabing pangalan kung kanino ito patama, sa comments section ng post ay makikita ang ilang komento na pahaging sa pagkuha ng video ni Pia na wala man lang daw pahintulot sa Style Not Com.

Makikita rin dito ang pag-comment ni Heart Evangelista na napapabalitang hindi kasundo ngayon ni Pia.

Komento ni Heart, “Hahahahahh.”

Pia Wurtzbach warns netizens

Photo/s: Screengrab @Instagram

Kung mayroong bumabatikos kay Pia ay mayroon din siyang fans na nagtanggol sa kanya.

Depensa ng mga ito, hindi na kailangang paringgan ng Style Not Com ang Pinay beauty queen lalo na’t nagpaliwanag na raw ito sa nangyari.

Agad ding niyang in-edit ang caption ng kanyang post para mabigyan ng credit ang nasabing fashion Instagram account.

Saad ng isang netizen (published as is), “Leave PIA alone!!!! She did not steal ypur videos. She gave you credit already, but you keep on shading her.”

PIA WURTZBACH urges fans to stop “harassing” STYLE NOT COM

Tila nakarating naman ito kay Pia, kaya agad-agad siyang nag-post sa Instagram para pakiusapan ang kanyang fans.

Nitong Linggo, October 6, sa pamamagitan ng isang Instagram Story, sinabi ni Pia na walang masayang tinapay sa pagitan nila ng namumuno sa Style Not Com na si Beka Gvishiani, isang Georgian fashion editor.

Ani Pia (published as is), “It has come to my attention that some netizens are harassing @stylenotcom with abusive messages.

“I urge you to stop this behavior. Beka and I are on good terms and have no issues whatsoever.”

Dagdag pa ni Pia, imbes na magtalu-talo at magsiraan ay mas maiging magpalaganap na lang ng positivity online.

Sabi niya, “Please consider using your time and platform for something more positive and meaningful.

“Let’s work together to keep social media fun, collaborative, and respectful.”

Pia Wurtzbach warns netizens

Photo/s: Pia Wurtzbach on Instagram

WHAT PEP KNOWS: Pia faked attendance at fashion show?

Noong September 15, pinabulaanan na ni Pia ang akusasyong hindi siya totoong imbitado sa New York Fashion Week.

Giit niya, totoong may imbitasyon siyang nakuha sa Carolina Herrera, noong araw na iyon ay na-late lang daw siya ng dating kaya’t hindi niya naabutan ang runway show.

Bagay na pinatotohanan naman ng isa sa dalang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad nito, “Brooklyn is 45 minutes away. 1.5 hours ang travel. Driver arrived late. So 10:00 a.m. ang show, 10:30 a.m., nakarating si Pia.

“The agreement with Carolina Herrera headquarters through regional team was to post videos of the show and of her wearing the dress.

“She had to wear another dress for the extra look.”

Hindi rin daw totoong balak angkinin ni Pia ang runway video ng Style Not Com. Nakaligtaan lang daw niya talagang lagyan ito ng credit sa dulo dahil sa pagmamadali.