Phillip Salvador to run for senator in 2025

Tatakbo para sa pagka-senador si Phillip Salvador sa eleksyon sa susunod na taon.

Ito ay binulgar ng aktor noong Biyernes, September 20, sa national assembly ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa Davao City.

phillip salvador 5th eddys
Phillip Salvador at the 5th EDDYs Awards

Photo/s: Noel Orsal

Sa naturang pagpupulong ng political party ay inendorso ang 71-year-old veteran actor. Kasama na siya sa senatorial slate ng PDP para sa 2025 elections.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa slate din ang mga re-electionist senators na sina Bong Go at Bato dela Rosa.

Agad namang tinanggap ni Phillip ang endorsement. Sa kanyang acceptance speech, ay pinasalamatan niya ang PDP at ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD), na tumatayong chairman ng partido.

“Kung sinasabi niyo na mahal niyo si PRRD, ako ibibigay ko ang buhay ko para sa kanya,” sabi ni Philip.

Kuwento pa ng aktor, 2003 pa niya nakilala ang dating Pangulo, at simula noon ay nagbalak na siyang isapelikula ang buhay nito.

PHILLIP THANKS FORMER PRESIDENT DUTERTE

Sa acceptance speech din ay pinasalamatan niya rin si Bong Go, na 21 years na niyang kaibigan. Kinuwento niya kung paano niya sinuportahan ang unang beses nitong pagtakbo sa pagkasenador.

“Hindi ko ho iniwanan ang taong iyan,” paliwanag ni Philip.

“Alam niyo nun, nung siya ay nangangampanya noong 2019, kabado ‘yan, nagbabasa, binabasa lahat ng sinasabi niya. Parati ko siyang sinasabihan, kung ano na lang ang nasa puso mo, sabihin mo.”

Pahayag pa ni Philip, matagal na siyang nagseserbisyo sa Pilipino dahil tumutulong siya sa kaibigan.

“Hindi po ako nagmamagaling,” sabi niya. “Kay Senator Bong Go po, marami po akong natutunan.”

Dagdag pa ni Philip, “Hindi po ako abugado, hindi po ako doktor, hindi po ako engineer. Ako po ay isang artista ng PDP, na magiging epektibong magserbisyo sa mga Pilipino.”

PHILLIP JOINS ROSTER OF CELEBS JOINING 2025 SENATORIAL ELECTIONS

Bukod kay Philip ay may ilan-ilan na ring celebrity na naghayag ng balak na pagtakbo sa Senado sa susunod na taon.

Kasama na rito sina Bong Revilla, Manny Pacquiao, Tito Sotto at si Erwin Tulfo.

Nag-announce na rin ng pagtakbo ang dating Senador na si Kiko Pangilinan.

Sa Oct 1 na ang simula ng filing ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa 2025 elections. Sa May 12, 2025 naman ang magaganap na botohan.