Paulo Avelino, Tinawag na Asawa niya si Kim Chiu, Nabuking na ang dalawa- Paulo Avelino called Kim Chiu his wife, the two of them were exposed.

Sina Paulo Avelino at Kim Chiu: Nasaan Na Ang Kanilang Relasyon?

Usap- ngayon sa ilang mga social media platform at ilang mga entertainment news sites ang tila pagkadulas umano ni Paulo Avelino sa muling pag-uusap na panayam nito para sa vlog ni Luis Manzano.
Tila napressure ang aktor na si Paulo Avelino sa mga naging katanungan sa kanya ni Luis Manzano sa pinakabagong guesting nito sa online show nito na Luis Listens patungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.
Sa katapusan ng episode ng nasabing vlog ni Luis Manzano, kung saan si Paulo Avelino ang kanyang bisita, naglaro sila ng shot or pass sa kontrobersyal na katanungan para sa aktor.
Unang naitanong kay Paulo Avelino ay kung single pa ba ito sa ngayon. Hindi naman ito nasagot kaagad ni Paulo Avelino hanggang sa napili na lamang niya na mag-‘shot’.
Ang kasunod na katanungan ay follow-up lamang sa naunang katanungan, kasunod na tanong ay kung may nililigawan ba si Paulo ngayon.
Muli, ay hindi nakasagot si Paulo Avelino kaya napashot na lamang siya sa ikalawang pagkakataon.
Kabilang din sa mga naitanong ni Luis Manzano kay Paulo Avelino ay kung totohanan na ba ang relasyon nila ni Kim Chiu. Muli ay napa-shot na lamang si Luis Manzano sa mga katanungan ni Luis.
Bukod sa mga katanungang ito, naitanong rin ni Luis kung dinadalaw ba ni Paulo si Kim sa It’s Showtime at kung kasama ba niya itong mag-work out.
Natapos na lamang ang interview ni Luis Manzano kay Paulo Avelino nang walang nahihintong impormasyon patungkol sa totoong estado ng buhay pag-ibig ng aktor.
Hindi naman na ito kataka-taka pa dahil noon pa man ay pinanatili na ni Paulo Avelino ang pagiging private.
Gayunpaman naniniwala pa rin ang maraming netizens na ‘action speaks louder than words’ kung saan inihayag nilang halata na may namamagitan sa dalawa dahil sa kanilang sweetness on and off-cam.
May mga netizens naman ang nakapansin na tila may tawagan na ang dalawa at ‘asawa ko’ ito.