Paulo Avelino spills the beans on his real relationship with Kim Chiu!

Muling iniintriga ngayon ng maraming netizens ang aktor na si Paulo Avelino dahil tila inamin na rin niya ang totoong namamagitan sa kanila ni Kim Chiu sa naging guesting nito sa vlog ni Luis Manzano kamakailan lamang.
Labis na kinikilig ngayon ang mga tagahanga ng KimPau loveteam dahil malakas umano ang kanilang kutob na nagkakamabutihan na ang dalawa dahil naiiba na umano ang kislap ng mga mata ngayon ng aktor sa tuwing napag-uusapan ang actress-TV host na si Kim Chiu.

Sa naging guesting ni Paulo Avelino sa YouTube vlog ni Luis Manzano na Luis Listens, marami ang kanilang napag-usapan kabilang na ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahang proyekto ngayon ng aktor.

Naitanong ni Luis Manzano kay Paulo Avelino ang mga upcoming projects nito at ang patungkol sa kanyang pinagbibidahang pelikula na pinamagatang Elevator kung saan nakasama niya ang aktres-Beauty Queen na si Kylie Verzosa.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay napag-usapan nila ang patungkol kay Kim Chiu, kaagad na napansin ng maraming mga KimPau shippers na nagbago na ang mood ni Paulo Avelino at nagkaroon ng ningning ang mga mata na tila ba pahiwatig na interesting topic para sa kanya ang aktres na si Kim Chiu.

Sa bandang huli ng guesting ni Paulo Avelino, nagpalaro si Luis Manzano ng pass or shot challenge kung saan iinumin si Paulo Avelino kung hindi niya kayang sagutin ang mga tanong ni Luis Manzano.

Unang naitanong ni Luis Manzano kung single ba si Paulo Avelino, matapos ang kanyang pag-iisip na napili ni Paulo Avelino na mag-shot, ibig sabihin hindi niya masasagot ang tanong.

Kasunod naman na natanong ni Paulo Avelino kung may nililigawan na ba siya ngayon na muli ring hindi nasagot ni Paulo Avelino.

Sa kabila ng hindi pagsagot ni Paulo Avelino sa tanong ni Luis Manzano ay naghinala ang maraming netizens na may namamagitan na talaga sa pagitan nila ni Kim Chiu na tinatago pansamantala nila ngayon sa publiko dahil kagagaling pa lamang nila sa mga hiwalayan.

Gayunpaman, may mga netizens na naghihintay ang tuluyang kumpirmasyon ni Paulo Avelino dahil nasanay na sila sa malakas na fan service ng aktor.

Sa tuwing magkakaroon ito ng leading lady ay talagang ipinapakita ng aktor ang kanilang sweetness kagaya na lamang noong sila ni Janine Gutierrez ang nagkambal.