Paulo Avelino denied having a past relationship with Janine Gutierrez.

Nagbigay ng pahayag si Paulo Avelino hinggil sa mga lumabas na balita tungkol sa umano’y romantic relationship nila ng aktres na si Janine Gutierrez.

Ayon kay Paulo Avelino, hindi naman daw sila talaga naging magkarelasyon noon ni Janine Gutierrez, kundi nagkasama lamang sila para sa promosyon ng kanilang teleserye.

Naging usap-usapan noon ang pagiging malapit nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Bagaman hindi ito tuwirang kinumpirma sa publiko, may mga indikasyon naman sa kanilang mga kilos.

Nakita noong mga panahong iyon ang pagiging proud ni Janine Gutierrez kay Paulo Avelino, kung saan sinasabi niya sa isang panayam ang kabaitan at pagiging maginoo ni Paulo Avelino sa kanya.

Sa isang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, nabunyag na mayroong alitan sa relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, na inaasahan na sanang magsimula nang magplanong magpakasal nang iharap ni Janine Gutierrez si Paulo Avelino sa kanyang pamilya.

Sinabi rin na nagsimula nang lumamig si Paulo Avelino hanggang sa napunta sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Base sa mga impormasyon na nakuha namin, tila hindi pa handa si Paulo Avelino na magpakasal kay Janine Gutierrez dahil hindi ito sineseryoso ng aktor.

Kung totoo nga ang mga balitang ito, napakasakit para kay Janine Gutierrez na nagpakatotoo sa kanyang nararamdaman para kay Paulo Avelino.

May mga nag-aakalang may kinalaman sa pagkakaibigan ni Kim Chiu at Paulo Avelino sa paghihiwalay ng dalawa.

Simula noong nagkatambal sila sa digital series na Linlang, napansin ang magandang chemistry nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya marami ang umaasa na magkatuluyan sila.

Nakikita rin ni Janine Gutierrez na mas lumalapit si Paulo Avelino kay Kim Chiu, kaya’t lubos siyang nasasaktan sa suporta na ipinapakita ng iba kina Paulo at Kim.