Pastor Apollo Quiboloy, sumuko matapos bigyan ng 24-hour ultimatum
– Sumuko si Apollo Quiboloy matapos bigyan ng ultimatum ng PNP na may 24 oras upang isuko ang sarili
– Nagsimula ang negosasyon ng PNP at AFP dakong ala-1:30 ng hapon noong Linggo
– Dinala si Quiboloy sa Camp Crame matapos ang kanyang pagsuko sa ISAFP
– Kung hindi siya sumuko, papasukin ng mga awtoridad ang gusali sa KOJC compound sa Davao City
Sumuko na ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy matapos bigyan ng ultimatum ng Philippine National Police (PNP) na kailangan niyang isuko ang sarili sa loob ng 24 oras, ayon sa PNP nitong Linggo.
Sa isang maikling press conference na ginanap sa Camp Crame, kung saan dinala ang puganteng pastor, kinumpirma ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na binigyan nila ng ultimatum si Quiboloy. Ayon kay Fajardo, kung hindi susuko si Quiboloy sa loob ng itinakdang panahon, papasukin ng mga awtoridad ang isang gusali sa loob ng KOJC compound sa Davao City.
Nagsimula ang negosasyon dakong ala-1:30 ng hapon noong Linggo, matapos na magbigay ng ultimatum ang mga awtoridad. Kalaunan, boluntaryong sumuko si Quiboloy sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
“Kanina pong bandang ala-una y medya ng hapon ay nagkaroon ng negosasyon para sa mapayapa nilang pagsuko dahil binigyan po natin sila ng ultimatum na within 24 hours ay kailangan na nilang sumuko. Nagkaroon ng negotiation, kaya ito po ay joint efforts ng PNP at AFP,” pahayag ni Fajardo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang pagsuko ni Quiboloy ay resulta ng koordinadong aksyon ng mga awtoridad, na nagpapatuloy sa pagsisikap na maisakatuparan ang mga kasong kinakaharap ng pastor.
Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahab sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.
Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala. Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano’y binibintang sa kanya.
Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!