Papel ni ex-President Duterte sa pagtatago ni Quiboloy, nais paimbestigahan ng isang kongresista
Hiniling ni Manila Rep. Joel Chua na imbestigahan ng mga ahensya ng gobyerno ang naging papel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte sa pagtatago ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.
Sinabi ni Chua na ito ay dahil si Duterte ang tumatayong administrador ngayon ng KOJC compound kung saan nahuli si Quiboloy.
Ayon pa kay Chua, may pahayag naman noon si VP Duterte na wala na sa KOJC compound si Quiboloy na layunin umano na linalangin ang mga awtoridad na naghahanap noon kay Quiboloy.
Binigyang-diin ni Chua na “no one is above the law” maging ang mga nakaupo sa pinakamataas na puwesto sa bansa.
Matatandaan na sumuko kagabi si Quiboloy kasama ang iba pang kapwa niya akusado sa intelligence unit ng Armed Forces of the Philippines.