“Palit-ulo” kaugnay sa pagturn-over kay Alice Guo sa mga otoridad ng Pilipinas, walang pormal na request na natanggap ang DOJ sa Indonesia
Walang natanggap ang Pilipinas na pormal na request mula sa Indonesia hinggil sa “palit-ulo” o prisoner swap para sa pagpapabalik sa Pilipinas kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na may Chinese name na Guo Hua Ping.
Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong nakabalik na sa Pilipinas ang puganteng si Guo.
Una kasing lumabas ang balita na nais ng Indonesian authorities na isuko muna natin sa kanila ang drug lord na si Gregor Haas na nahuli sa Cebu kapalit ni Guo.
Ipinaliwanag ni Remulla na ang prisoner swap ay hindi basta-basta naisasagawa.
Ayon kay Remulla, ang ganitong proseso ay pinapangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at kailangan ng permiso sa legal system ng Indonesia at sa panig ng Pilipinas, dapat ding may pahintulot ito ng pangulo at maaaring pati ng Kongreso.