Pag-alis ng Export ban sa Non-Basmati White Rice ng India, magpapababa sa presyo ng bigas sa bansa

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na malaki ang maitutulong sa presyo ng inaangkat na bigas ng bansa ang pag-alis ng Indian Government sa export ban sa non-basmati white rice.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalaga ang ginawang hakbang ng India dahil mas mura ang presyo ng non-basmati white rice.

Ito ay kumakatawan sa 40 percent ng kabuuang rice export sa buong mundo .

Sinabi ni De Mesa, ang Minimun Export Price (MEP) ng Indian Rice ay nasa $490 kada metric tons.

Kumpara sa presyong 25 percent broken rice kada metric tons ng Thai Rice na $525 hanggang $535 kada metric tons.