P25K compensation sa mga magsasaka’t mangingisda, hiniling
Iginiit ng grupong Bantay Bigas na mabigyan ng P25K kompensasyon ang mga magsasaka at mangingsida na matinding naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa.
Ayon kay Cathy Estavillo ng nasabing grupo, hindi pa man nakakabangon ang naturang sektor sa pinsala ng El Niño ay pumasok sa bansa ang Bagyong Carina at Enteng na nakaapekto sa mga panananim at palaisdaan.
Kasabay nito ay ikinabahala ni Estavillo na posibleng maraming magsasaka ang hindi na magtanim ng palay dahil sa pagkalugi at idagdag pa ang sobra-sobrang pag-aangkat ng bigas ng bansa.
Binigyang-diin ni Estavillo ang pangangailangang suportahan ang mga lokal na magsasaka at mangingsida upang matiyak ang food security sa bansa.