P125-M CONFIDENTIAL FUNDS NG OVP, DEPED TATALAKAYIN Sa ginanap na pagdinig ng H

P125-M CONFIDENTIAL FUNDS NG OVP, DEPED TATALAKAYIN

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong nakaraang linggo, inaprubahan ng Kamara ang pag-iisyu ng subpoena kay Vice President Sara Duterte matapos obligahin ang Commission on Audit (COA) na magsumite ng report kung paano ginamit ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang confidential funds para sa fiscal year 2022 hanggang 2023.

Ang naturang hakbang ay nagbunsod sa mosyon ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ipa-subpoena si Vice President Sara Duterte matapos ipaalam ng COA sa Kamara na nakumpleto na nito ang auditing at mga obserbasyon sa liquidation report na isinumite ng OVP at DepEd na kapwa pinamunuan ng ikalawang pangulo sa nabanggit na fiscal period.

Nakasaad sa 2022 Annual Audit Report ng COA na umabot sa P125 milyon ang confidential expenses sa kabila na walang inilaang budget para sa intelligence o confidential funds sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.

Lumitaw din sa COA report na nakatanggap ang OVP ng P500 milyong halaga ng confidential funds noong 2023.

#PilipinasToday
#SaraDuterte
#HouseofRepresentatives