Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista

Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista.

Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista

Sa kontrobersyal na post ni Tuesday Vargas tungkol sa hindi pagbati sa kanya ng isang love team, ibinahagi rin ni Ogie Diaz ang kanyang personal na karanasan na may kinalaman sa pang-iisnab ng isang baguhang artista.

Ayon sa kanyang Showbiz Update channel, naikwento ni Ogie ang insidenteng kanyang naranasan kung saan dinaan-daanan lang siya ng isang baguhang artista. Agad din daw niya itong tinawag upang kausapin.

“Yung bata hindi ko talaga napigilan. Tinawag ko siya, sabi ko ‘huy kanina ka pa daan ng daan dito, di mo manlang ako batiin. EP mo ‘to o, sabi ko sa kanya,” ani Ogie.

Ayon sa baguhang artista, nahihiya raw ito kaya hindi niya nagagawang bumati. Ngunit mula noon, pinangaralan na umano ni Ogie ang artista na bumabati na siya kahit kanino.

Nagkaroon din ng pagkakaibang sitwasyon dahil agad umano siyang kumausap sa artista at naging magkaibigan pa sila.

Ayon kay Ogie, magsilbing aral ang insidenteng ito sa mga baguhan sa showbiz na mahalaga ang pagbati kanino man.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa totoong buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, marami ang nag-aabang ng mga video sa kanyang YouTube channel na “Ogie Diaz” at “Ogie Diaz Showbiz Updates” dahil sa maiinit na balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isinalin at inedit mula sa “Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista” (https://kami.com.ph/entertainment/celebrities/149380-ogie-diaz-ibinahagi-ang-pang-iisnab-umano-sa-kanya-noon-ng-baguhang-artista/)