Ogie Diaz Fires Back at Bea Alonzo in Cyberlibel Case!

Nagbigay na ng pahayag ang kilalang showbiz reprter at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa cyberlibel case na isinampa laban sa kanya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo noong Huwebes, May 2, 2024.
Sa kanyang Facebook Stories, ipinahayag ng talent manager at vlogger ang paghingi niya ng paumanhin sa hindi niya pagsagot sa mga reporter na humihingi ng pahayag sa kanya patungkol sa kasong isinampa sa kanya ni Bea Alonzo.

Ayon kay Ogie Diaz, “Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon. Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update,’ sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending.”

Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea Alonzo na naging biktima siya ng mga mali, malisyoso, at mapanirang impormasyon mula sa isang taong nagpanggap na malapit sa kanya, na inilathala at napag-usapan sa online shows nina Diaz at Cristy Fermin nang walang basehan.

Kasama na rito ang sunud-sunod na pang-iinsulto sa aktres sa kanilang mga column at shows, gayundin ang isyu ng hindi umano siya nagbabayad ng tamang buwis.

Bukod kay Ogie, sinampahan din ng criminal case ni Bea Alonzo si Cristy Fermin at ang kani-kanilang mga co-host sa kanilang mga showbiz vlogs.

Ayon naman sa legal counsel ni Bea Alonzo na si Atty. Joey Garcia, labis na naapektuhan ang aktres sa mga mapanirang pahayag na ibinabato sa kanya ng mga nasabing personalidad na kilala sa larangan ng showbiz.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nangunguna sa mga showbiz balita sina Cristy Fermin at Ogie Diaz dahil sa kanilang mga sources na malapit rin sa mga controversial artists.

Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang isa pang denimanda na si Cristy Fermin.