Ogie Alcasid’s daughter Leila now engaged to BF Curtismith

Handa na sa panghambuhay na pagsasama ang longtime couple na sina Leila Alcasid, 29, at singer-rapper na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith, 30.

Ito’y matapos nilang ianunsiyo sa publiko na sila ay engaged na matapos ang halos limang taong pagiging magkasintahan.

Sa kanilang joint Instagram post nitong Linggo, Septemer 29, 2024, ibinahagi nina Leila at Curtismith ang litrato ng kanilang engagement, kasabay ng kanilang anibersaryo.

Makikita sa picture ang ilang sweet photos ng dalawa, kabilang na ang larawan ng kaliwang kamay ni Leila na may suot na diamond engagement ring.

“The most special anniversary gift,” simpleng caption ni Leila.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

CONGRATULATORY MESSAGES FOR LEILA AND CURTISMITH

Bagamat walang karagdagang detalyeng ibinahagi sina Leila at Curtismith, sa comments section ng kanilang post ay bumuhos ang mga pagbati mula sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nangunang bumati sa dalawa ang ama ni Leila na si Ogie Alcasid.

Ayon sa It’s Showtime host, masayang-masaya siya sa pagkaka-engage ng kanyang anak.

Si Leila ang panganay sa dalawang anak ni Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren. Ang isa pa ay si Sarah.

May isa ring anak si Ogie sa second wife niyang si Regine Velasquez, si Nate.

Mababasang comment ni Ogie (published as is), “The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you? [red heart emojis] congratulations.”

Bagay na mabilis namang sinagot ni Curtismith ng (published as is), “@ogiealcasid thanks so much tito [ed heart emoji] Love you!”

Samantala, maliban kay Ogie, nagpaabot din ng pagbati kina Leila at Curtismith sina Nadine Lustre, Iza Calzado, Darren Espanto, Billy Crawford, Gabbi Garcia, Frankie Pangilinan, Kiana Valenciano, Ria Atayde, Chie Filomeno, Hannah at Elle Pangilinan.

Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith

Photo/s: Screengrab @Instagram

Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith

Photo/s: Screengrab @Instagram

Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith

Photo/s: Screengrab @Instagram

Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith

Photo/s: Screengrab @Instagram Screengrab @Instagram


LEILA-CURTISMITH RELATIONSHIP

March 2019 nang isapubliko nina Leila at Curtismith ang kanilang espesyal na relasyon bilang magkasintahan.

Kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 nang magdesisyon naman silang maglive-in.

Sa panayam ni Ogie sa PEP Troika noong September 2023, inamin nitong hindi niya nagustuhan ang desisyon ng anak na magsama na sila ni Curtismith sa iisang bubong.

Ngunit 25 na noon si Leila at nasa tamang edad na ito, kaya wala raw siyang magagawa kung anuman ang maging desisyon nito, lalo na sa relasyon nila ng nobyo.

Pahayag noon ni Ogie: “I answered this already before.

“I said, ‘You know, I didn’t like what you did. Because, that’s something that I wished you talk to me about.’

“However, nandiyan na yan, e, ginawa niya na yan. So, you want to be an adult, so you face like as an adult.

“And I’m proud that she didn’t ask money from me at all.”

January 2024, muling nakausap ng PEP Troika si Ogie, at dito ay tila nag-iba na ang pananaw niya sa relasyon ni Leila kay Curtismith.

Tinanong ang OPM singer-songwriter kung handa na ba siya kung saka-sakaling magpaalam sa kanya sina Leila at Curtismith na magpakasal.

Sagot ni Ogie: “I’m ready for anything.

“She has a promise ring, meron na palang ganun ngayon? Promise ring… I don’t know what that means.

“Lagi naman niya suot yun. I can see that my daughter is very happy. That’s enough for me.”

“They’re good for each other. I can see that, and I can safely say that, they are very supportive with each other,” dagdag niya pang pahayag.