OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya

OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya.

Todo ang pag-effort ng isang OFW sa kanyang marriage proposal sa kanyang nobya. Kahit na mahigit na apat na taon silang hindi nagkasama, agad niya itong inayang magpakasal nang makauwi sa Pilipinas. Kasabwat ang mga katrabaho niyang guro at ilan sa kanyang mga estudyante sa nakakakilig na proposal na ito. Hindi rin ito nabigo dahil nakamit niya ang oo ng kanyang ‘bride-to-be’.

Maraming netizens ang naging kilig sa marriage proposal ng isang OFW na kahit na mahigit apat na taon silang hindi nagkita, ay inaya pa rin niyang magpakasal ang kanyang nobya. Ang guro sa Sampaguita Elementary School sa Kibawe, Bukidnon, ang pakakasalan ng OFW at siya naman ay walang kamalay-malay sa sorpresa na inihanda para sa kanya ng kanilang munting paaralan.

Mula sa mga estudyante na nagbigay sa kanya ng mga red roses hanggang sa mga kapwa guro na kasabwat sa kanyang nobyo, lahat sila ay nagbahagi sa pagpapakilig ng proposal. At nang ito’y makarating sa kanyang silid-aralan, doon na pumasok ang kanyang nobyo na mahigit apat na taon niyang hindi nakasama. Hindi rin ito nabigo dahil tinanggap ng OFW ang matamis na oo ng kanyang ‘bride-to-be’.

Kahit na matagal silang hindi nagkasama, palaging silang nag-uusap na nagpatibay ng kanilang samahan na magdudulot sa kanilang kasal. Buong kaganapan ng proposal ay maaring mapanood sa video mula kay Hazlejean Cuaresma Agapay.

Kamakailan, ibinahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang kanyang ipinundar na bahay at iba pang mga ari-arian. May mga ganitong mga kwento na nagbibigay inspirasyon sa ating lahat upang pag-ibayuhin ang ating mga pangarap at ipaglaban ang ating mga mahal sa buhay.