Northeasterly Winflow nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon – DOST-PAGASA

Northeasterly Winflow ang nakakaapekto ngayon sa bansa pangunahin na sa Extreme Northern Luzon.

Nagdudulot ito ng mga pulu-pulong pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Samantala sa natitirang bahagi ng bansa ay walang anumang weather disturbance na nakakaapekto.

May cloud cluster pa rin naman sa western luzon landmass ngunit wala na itong epekto sa alinmang lugar sa bansa.

Dahil wala nang sama ng panahon, asahan ang maaliwalas na papawirin bagamat may mga tiyansa ng mga kalat-kalat na pag-ulan lalo na sa dakong hapon o gabi na epekto ng mga localized thunderstorms.