New Program Launched to Resolve Feud Between Orange And Lemons and Francine Diaz
Ikinalulungkot ngayon ng maraming tagahanga ng actress-singer na si Francine Diaz ang natatanggap nitong bashing matapos lumabas sa kanilang mga social media platforms ang isyung pagsingit nito sa performance ng Orange and Lemons Band sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro. Naglabasan ang mga bali-balita na hindi umano nakapaghintay si Francine Diaz sa kanyang cue kaya naman sinapawan na nito ang performance ng Orange and Lemons band gayung mauuna naman ang mga ito sa pagperform at panghuli na dapat ang actress-singer. Kumakalat pa ngayon sa kanilang mga social media platform ang mga larawan ng programa sa nasabing event kung saan makikita talagang panghuli dapat si Francine Diaz. Makikita sa program na mauuna talaga ang performance ng Orange and Lemons dahil pang-finale na sana ng event ang paglabas ni Francine Diaz. Sa kabilang banda, marami sa mga fans ni Francine Diaz ang nagsasabi na kahit ganoon ang nangyari, hindi dapat ang aktres ang sisisihin ng mga netizens at banda kundi ang organizers ng event dahil matagal na inumpisahan. Bukod sa matagal na nag-umpisa ang event tila nahihiya umano ang mga organizers ng event kay Francine Diaz dahil alas 7 pa lang ay naroon na ito sa event at matagal-tagal na ring naghintay. Samantalang ang Orange and Lemons ay dumating naman ng bandang 11 pm na kaya naman tila napagdesisyunan ng mga organizers na paunahin na lamang si Francine Diaz. Sa mga kumakalat na video, tila nagkasabay sa stage sina Francine Diaz at ang Orange and Lemons na naghahanda sa kanilang performance. Nabigla rin ang banda sa pagpasok ni Francine Diaz dahil buong akala nila ay sila muna ang magpeperform kaya naman pakiramdam nila ay sinapawan at inaagawan sila ng spotlight ng aktres. Hindi naman nagustuhan ng mga fans, ni Francine Diaz ang pambabastos ng gitarista ng banda sa performance ni Francine dahil kahit kumanta na si Francine ay patuloy pa rin ang pagkalabit nito sa kanyang gitara.