Netizens Concerned About Billy Crawford’s Noticeably Thin and Dull Appearance

Ikinabahala ng maraming tagahang ng host-performer na si Billy Crawford ang mga kumakalat na larawan sa social media.

Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan ni Billy Crawford kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.

Makikita sa mga nasabing larawan ang labis na pagpayat ni Billy Crawford, humpak ang pisngi at mukhang stress.

Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ng aktor ang labis na nag-aalala sa kalagayan nito lalo na sa malayo ito sa kanyang pamilya.

May mga naghinala rin ba baka mayroon itong nararamdaman si Billy Crawford na hindi pa nito inaamin sa publiko.

May mga lumutang ring mga haka-haka na baka mayroong bisyo si Billy Crawford dahilan para pumayat at tuyot ang kanyang pangangatawan.

Gayunpaman, kaagad itong ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga. **Ipinunto nila ang posibilidad na pagod lamang si Billy Crawford sa mga ginagawang shows sa France.**

Maari rin umanong nag-di-diet ito para sa kanyang mga performance sa shows o kaya naman ay talagang namimiss nito ang kanyang mag-ina na naiwan sa Pilipinas.

Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Billy Crawford patungkol sa mga kumakalat na intriga laban sa kanya.

Narito ang ilang komento ng mga netizens sa larawan at video na kumakalat ni Billy Crawford.

**“Anyway, sana okay lang siya. Pwede din talaga kasing stressed out siya at hindi kumakain because of home sickness.”**

**“Kapag tumaba, huy tumaba ka.Kapag pumayat, mukha kang may sakit.Mga sala sa init, sala sa lamig ang mga hindaught.”**

**“Puro kayo haka haka. Di ba pwedeng gusto lang talaga pumayat? Haha dati chubby dami nag bbash pumayat na ganun parin hahaha”**

**”Ganyan talaga itsura niya if no make up, ever since dark talaga under eye plus weight loss pa.”**