NATIONAL HEROES DAY Sinalubong si President Ferdinand Marcos Jr. ng mga opisyal

NATIONAL HEROES DAY Sinalubong si President Ferdinand Marcos Jr. ng mga opisyal ng gobyerno, sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, sa kanyang pagdating sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, para pamunuan ang pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong Lunes, Agosto 26.

Bukod kay Romualdez, sinalubong din ang Presidente nina Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., Executive Secretary Lucas Bersamin, Taguig City Mayor Lani Cayetano, at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

#MartinRomualdez
#BongbongMarcos
#PBBM
#NationalHeroesDay