Napansin ni Vice Ganda na galing sa iyak si Kim Chiu, may pinagdadaanan si Kim!

Napansin ang Emosyunal na Reaksyon ni Kim Chiu sa It’s Showtime

Tampok na naman sa tuksuhan sa pinakabagong episode ng It’s Showtime ang actress-host na si Kim Chiu matapos mapansin ni Vice Ganda ang pagiging emosyunal nito.

Kaagad na napansin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang malungkot na mukha ni Kim Chiu sa episode ng It’s Showtime nitong April 3, 2024 sa segment na Expecially For You.

Napansin ni Vice Ganda na tila naluluha si Kim Chiu kaya naman kaagad niya itong inusisa para madistract na rin.

Tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ang dahilan ba ng kanyang pagluha ay dahil sa, ‘there it goes up in the skies’, pakantang pahayag ni Vice Ganda.

Sinabayan pa nung una ni Kim Chiu ang kanta hanggang sa siya na rin ang sumuko sa takot na matuloy ang kanyang pag-iyak.

Sinabi na lamang ni Kim Chiu na gagawin na lamang niya ang ipinapagawa sa kanya ni Vice Ganda upang matigil na ito sa panunukso sa kanya.

Sa kabilang banda, nanatili namang tanong para sa mga netizens kung bakit nga ba naging emosyunal si Kim Chiu sa nasabing kanta.

Hindi na kasi sinagot pa ni Kim Chiu habang si Vice Ganda naman ay itinuon sa ibang mga hosts ang kanyang atensyon.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tinutukso nina Vice Ganda si Kim Chiu sa kanilang show. Matatandaan na bago pa man aminin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay ay ilang beses na nagpahiwatig si Vice Ganda patungkol dito.