Naniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na
Naniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na hindi uubra ang planong paghahain kasong arbitrary detention ng kampo nila Shiela Leal Guo at Cassandra Li Ong laban sa NBI bunsod ng pagkakaaresto sa dalawa matapos silang ipatapon pabalik sa Pilipinas mula Indonesia.
“May (legal) process na ginawa kami at they have undergone inquest proceedings,” ayon kay Santiago.
Matapos makulong sa NBI detention facility ng ilang araw, inilipat na ni Santiago ang kustodiya ng dalawa sa Kamara de Representantes at Senado upang dumalo ng pagdinig hinggil sa kanilang pagkakasangkot diumano sa illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hub na sinalakay ng mga awtoridad sa Pampanga at Tarlac.
Sinabi pa ni Santiago na matapos humarap sina Guo at Ong sa pagdinig ng dalawang kapulungan ng Kongreso, sila ay ibabalik sa NBI detention facility dahil sa tatlong kasong kriminal na inihain laban sa kanila.
#PilipinasToday
#ShielaGuo
#CassandraLiOng
#NBI
#WannaFactPH