Nalunod ang lalaking paslit nang maligo sa sapa sa Barangay Cangrunaan sa Batac
Nalunod ang lalaking paslit nang maligo sa sapa sa Barangay Cangrunaan sa Batac City, Ilocos Norte noong Sabado. Kasama umano ng biktima ang kaniyang kapatid nang maligo sa ilog pero hindi raw nagpaalam ang mga ito sa mga nakatatanda.
Mahigit sa pitong talampakan umano ang lalim ng lugar sa sapa kung saan nalunod ang biktima. Labis ang lungkot ng ina ng bata dahil nasa ospital din ang mister nito at nagpapagaling sa sakit.
Isang residente sa lugar ang agad na sumaklolo nang marinig niyang may nalulunod pero ito’y huli na.
Samantala, sa ilog naman nalunod ang biktimang babae na naligo sa Abacan River sa Angeles City, Pampanga, noon ding Sabado. Nakaligtas naman ang kasama ng biktima na limang-taong-gulang.
“Bilang concerned citizen[s] magmalasakitan po tayo, kung kaya po nating pigilan yung mga bata, pahanguhin natin sa tubig, huwag po natin paliguin doon. Unang-una po hindi po malinis ang tubig doon,” ang sabi ni Major Alfred Andal ng Angeles City Police Station-3 tungkol sa insidente.
#PilipinasToday
#IlocosNorte
#Pampanga
#WannaFactPH