“Nakaka-angat na!” si Daniel Padilla ay ibinuhos ang sama ng loob sa kanta!

Noong Abril 26, 2024 ipinagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan. Unang pinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang kaarawan kasama ang mga rescued animals at mga tagahanga.

Pero, nitong April 28 ay nagkaroon ng post birthday celebration si Daniel Padilla kasama ang kanyang malalapit na kaibigan at pamilya. Naging masaya at bongga ang kaarawan na ito ni Daniel Padilla.

Maypa-libreng concert siya kung saan naki-jam siya sa kanyang mga tagahanga na naroon din sa Tanauan, Batangas.

May fireworks display pa ang aktor sa kanyang mga tagahanga bilang hudyat ng pagtatapos ng kanyang pagdiriwang.

Samantala, napansin naman ng maraming netizens na tila naglalabas umano si Daniel Padilla ng kanyang sama ng loob sa pamamagitan ng kanyang pag-iba sa lyrics ng kanta.

Marami rin ang naghinala na talagang masama ang loob ni Daniel Padilla dahil hindi lang nagparamdam sa kanya si Kathryn Bernardo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Matatandaan, noong nakaraang kaarawan ni Kathryn Bernardo noong March 26, ay binati ito ni Daniel Padilla tila nag-eexpect na umano ang aktor na batiin rin siya ni Kathryn Bernardo kahit sa pamamagitan lamang ng private message.

May mga naghinala rin na tila, naging masama rin umano ang loob ni Daniel Padilla dahil nakikita niyang masaya na ngayon si Kathryn Bernardo ng hindi siya nakakasama at napapalibutan ng mga taong inaayawan niya noon.