NAGKASAGUTAN VICE PRESIDENT SARA DUTERTE AT ACT-TEACHERS REP. FRANCE CASTRO Mai
NAGKASAGUTAN VICE PRESIDENT SARA DUTERTE AT ACT-TEACHERS REP. FRANCE CASTRO
Mainit ang naging diskusyon sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025 nang tanungin ng ilang mambabatas sa Kamara si VP Sara Duterte patungkol sa kontrobersiyal na P125 milyong confidential funds noong 2022 ng kaniyang opisina.
Nagkainitan sina Vice President Sara Duterte at ACT-Teachers Rep. France Castro nang hindi sagutin ni VP Sara ang mga tanong tungkol sa diumano’y kaniyang confidential funds sa hearing ng Kamara sa pondo ng OVP.
Hiniling din ni VP Sara Duterte na palitan ang presiding officer ng budget hearing, ngunit tinanggihan ni Quimbo ang kahilingan.
“Madam chair, hinihiling ko na ang chairperson ng Finance Committee ang manguna sa pagdinig na ito,” hiling ni VP Sara Duterte.
“Pasensya na po, hindi kasama sa poder ninyo ang pagfa-fire ng presiding officer ng hearing na ito,” tanggi ni Quimbo.
Ipagpatuloy ang pagdinig sa panukalang budget ng OVP sa September 10.
#indaysara #SaraDuterte #OVP
Photos: House of Representatives of the Philippines