
Nadia Montenegro, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila
– Kinumpirma ng beteranang aktres na si Nadia Montenegro sa panayam ni Karen Davila na simula pa noong Pebrero ay si Baron Geisler na ang kasama ng anak nilang si Sophia, bilang paghahanda sa pag-aaral nito sa kolehiyo
– Inihayag ni Nadia na naging maganda ang naging takbo ng mga nakaraang buwan para sa kanila at masaya siyang nakikitang gumagawa ng hakbang si Baron upang maging present na ama sa buhay ni Sophia
– Ayon kay Nadia, sabay umanong inaasikaso ngayon nina Baron at Sophia ang mga detalye ng enrollment at preparasyon sa kolehiyo, at tila maayos at payapa ang kanilang kasalukuyang setup bilang magulang
– Nauna nang ibinunyag ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang vlog noong Marso ang impormasyon na nasa pangangalaga na ni Baron si Sophia, bagay na ngayon ay kumpirmado na ng mismong ina ng dalaga
Kinumpirma ng batikang aktres na si Nadia Montenegro na nasa pangangalaga na ngayon ng aktor na si Baron Geisler ang kanilang anak na si Sophia. Ayon kay Nadia sa panayam niya kay Karen Davila, simula pa noong Pebrero ay kasama na ni Baron si Sophia upang paghandaan ang pagpasok nito sa kolehiyo. “These last few months have been very good for us. Actually, Sophia is with him since February and they’re fixing the school for college,” saad ni Nadia.

Source: Youtube
Dagdag pa ni Nadia, “They’re going to enroll soon together. So things are working out naman.” Ibinahagi rin ng aktres na naging positibo ang kinalabasan ng kanilang co-parenting arrangement. Nauna nang lumabas ang balita noong Marso nang isiwalat ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na nasa poder na ni Baron ang kanilang anak. “Mayro’n lang nagparating sa akin na ‘yong anak ni Baron kay Nadia Montenegro ay na kay Baron Geisler na raw,” ani Ogie.
Bagama’t hiwalay na ang dating magkasintahan, mukhang matagumpay nilang pinapanday ang maayos na ugnayan para sa kinabukasan ng kanilang anak. Hindi na rin ito ikinagulat ng ilang netizens, lalo pa’t ilang buwan nang may usap-usapan sa social media tungkol dito. Sa kabila ng mga kontrobersiya sa kanyang buhay, tila isang bagong yugto ito para kay Baron bilang ama.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Si Baron Geisler ay isa sa mga pinakakilalang aktor sa Pilipinas, kilala sa kanyang mahusay na pagganap ngunit madalas ding nasasangkot sa mga kontrobersiya. Sa kabila ng kanyang magulong nakaraan, sinisikap ngayon ni Baron na maging isang mas maayos na ama at indibidwal. Si Nadia Montenegro naman ay isang respetadong aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon, at kilala rin sa kanyang pagiging mapagkalingang ina.
Sa isang matapang na pahayag, nanindigan si Baron Geisler sa mga isyung ipinupukol sa kanya. Aniya, palaging mananaig ang katotohanan sa kabila ng mga maling akusasyon. Hindi rin siya nagdalawang-isip na ipaglaban ang kanyang panig sa gitna ng mga intriga sa social media.
Nagbanta si Baron Geisler na magsampa ng kaso laban sa isang netizen na nagkomento ng hindi maganda tungkol sa kanya. Ayon sa ulat, tinawag siyang “jutz” ng naturang netizen, bagay na hindi pinalampas ni Baron. Naglabas siya ng babala sa kanyang social media na seryoso siyang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya.
Source: Nadia Montenegro, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila