Muntinlupa court orders takedown Pepsi Paloma teaser video

Pinaboran ng Muntinlupa Regional Trial Court ang writ of habeas data petition na inihain ng beteranong TV host-comedian na si Vic Sotto laban sa movie director na si Darryl Yap.

Sa desisyong inilabas ng korte noong January 24, 2025, na pirmado ni presiding judge Liezel Aquiatan, inutusan nila si Yap na tanggalin o burahin nito ang 26-second video teaser ng biopic film na The Rapists of Pepsi Paloma sa lahat ng online platforms.

Tahasang binanggit ang pangalan ng Eat Bulaga! host sa kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Yap.

Sa teaser video na inilabas ni Yap sa iba’t ibang social media platform, noong January 1, binanggit ang pangalan ni Vic sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.

Si Gina ang gumaganap na Charito Solis, ang yumaong beteranang aktres.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Gina Alajar as Charito Solis.

Photo/s: Screenshot from The Rapists of Pepsi Paloma teaser

Habang si Rhed naman ang gumaganap na Pepsi Paloma.

Rhed Bustamante The Rapists of Pepsi Paloma

Photo/s: Darryl Yap on Facebook

Sa kontrobersiyal na eksena nina Gina at Rhed, mapapanood ang pagkumpronta ni Charito (Gina) kay Pepsi (Rhed) nang walang-habas nitong tanungin kung totoo bang “ni-rape” siya ni Vic Sotto.

Bagay na sinagot naman ni Pepsi (Rhed) ng “oo.”

Ayon sa korte, mali ang paggamit ng impormasyon sa teaser dahil sa pagpapakita nito ng ilang hindi beripikadong usapan ng dalawang yumaong indibidwal na sina Pepsi at Charito.

Mababasa sa court order: “Respondent DARRYL RAY SPYKE B. YAP and any person or entity acting on his behalf, including the production team of Vin Centiments are ORDERED to delete, take down and remove the 26-second teaser video from online platforms, social media, or any other medium for having misused the collected data/information by presenting a conversation between two deceased individuals, which cannot be verified as having actually occurred.”

Gayunpaman, pinayagan pa rin si Darryl ng korte na magpatuloy sa produksiyon at pagpapalabas ng The Rapists of Pepsi Paloma.

Saad ng korte, “The respondent, however, is ALLOWED to proceed with the production and eventual release of the film “The Rapists of Pepsi Paloma.”

PAULEEN LUNA HAPPILY SHARES COURT DECISION

Samantala, kasunod ng desisyon ng korte ay ang pagbubunyi ng asawa ni Vic na si Pauleen Luna.

Sa Instagram ngayong Lunes, January 27, ibinahagi ni Pauleen sa Instagram ang isang pahina ng court order, kalakip ang pasasalamat sa Diyos sa pagpabor ng Muntinlupa Regional Trial Court sa hiling ng kanyang mister.

Muntinlupa court orders take down Pepsi Paloma teaser video

Photo/s: Pauleen Luna on Instagram

“Victory” kung ituring ni Pauleen ang desisyon ng korte dahil nagpapatunay lamang daw itong “malicious” ang nilalaman ng teaser ng pelikula ni Yap.

Mababasa sa caption ng post ni Pauleen (published as is): “We give thanks to the Lord for this court decision.

“The results are in and the outcome is in our favor, confirming that the material released was malicious in nature. We won!

“This victory is for our children and family, and we humbly lift our gratitude to Almighty God.”

Sa huli, nagpaalala si Pauleen, tungkol sa pagiging mabuti at marespeto sa kapwa.

Aniya: “Let this be a reminder that our words and actions have great power, and that kindness and integrity should always guide us.

“Please, let us all be mindful and responsible about posting/sharing malicious content about people.

“We urge everyone to act with kindness, integrity, and respect, striving to uplift one another instead of causing harm.”

Muntinlupa court orders take down Pepsi Paloma teaser video

Photo/s: Pauleen Luna on Instagram

VIC SOTTO-DARRYL YAP THE COURT BATTLE

Noong January 9, 2025, nagsampa si Vic ng 19 counts of cyber libel laban kay Darryl.

Inihain ni Vic ang kanyang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Noong January 13, naglabas naman ng gag order ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 kaugnay sa kasong cyber libel na isinampa ni Vic laban kay Darry.

Nakasaad dito ang utos ng korte sa pagpapatupad ng gag order sa lahat ng partidong sangkot sa kasong isinampa ni Vic laban kay Darryl.

Dahil sa gag order, bawal munang pag-usapan ang mga detalye ng kaso sa publiko, alinsunod sa sub judice rule, hangga’t hindi pa ito nareresolba.

“All parties are directed to observe strict confidentiality in compliance with the sub judice rule, ensuring that the case proceedings and any related matters remain undisclosed to the public until resolve,” mababasa sa inilabas na order ng korte.

Darryl Yap seeks gag order vs Vic Sotto’s camp

Noong January 10, hiniling ng kampo ni Darryl na mag-isyu bg gag order ang korte upang pigilan ang kampo ni Vic na pag-usapan ang anumang detalye tungkol sa kaso.

Sa panayam ng legal counsel ni Darryl na si Atty. Raymond Fortun sa ABS-CBN News nitong Martes, January 14, inilahad niya ang dahilan kung bakit sila nagdesisyong maghain ng motion.

Ayon kay Fortun, ginawa nila ito para hindi maapektuhan ang tingin ng publiko tungkol sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa February 5, 2025.

“The second reason kung bakit namin gusto ng gag order ay para mapigilan yung umano’y mga irresponsableng pahayag nung mga abogado ni Mr. Sotto.

“Pinagpipilitan pa [rin] kasi nung abogado na mayroon na raw order.”

Shopping cart