MJ Cayabyab hints at reason for Wil To Win resignation

Nagpaalam na bilang isa sa co-hosts ng TV5 game show na Wil To Win ang singer-actor na si MJ Cayabyab.

Isa at kalahating buwan pa lamang ang nakalilipas nang magsimula ang programa ni Willie Revillame sa Kapatid network.

Matipid ang naging paliwanag ni MJ kaugnay ng kanyang pagbibitiw sa game show.

Pero sa ilang komento, lumalabas na oras ang naging isyu ni MJ.

MJ REVEALS more specific REASON

Idinaan ni MJ sa social media post ang paliwanag kaugnay ng kanyang pagbibitiw. Nag-post siya nitong August 27, 2024.

“Personal reason” ang ibinigay niyang dahilan.

Post ni MJ (published as is), “For those who are messaging me ‘bakit wala kana sa Wil To Win as co host’ Nag Resign na po ako for some personal reason.

“Sorry to disappoint you guys. Pero thankyou for your concern.

“Don’t worry I am okay. Childhood dream achieved parin lol.

“Thankyou everyone. This is MJ cayabyab your #wiltowin co host now signing off.”

MJ Cayabyab Facebook post

Sunud-sunod ang komento ng netizens at mga kaibigan ni MJ sa comment section.

Ilang komento ang sinang-ayunan ni MJ at mahihinuha na oras at dami na kanyang ginagawa ang naging problema.

Bukod kasi sa showbiz, si MJ ay isa ring digital creator at entrepreneur.

Dahil araw-araw ang Wil To Win, tiyak na kakain ito ng maraming oras ng isang host.

Mensahe ng isa kay MJ: “Aww babe! Ang busy rin kase anooo. Pang teleserye and movie daw ulit next!”

Sagot dito ni MJ: “super babe”

MJ Cayabyab comment 1

Sabi ng isa pa: “rest ka muna tas laban na ulit”

Sagot ni MJ: “yes yes”

MJ Cayabyab comment 2

Bukod kay MJ, ang iba pang co-hosts ni Willie ay sina Ana Ramsey, Cindy Miranda, Inday Fatima, Christine Bermas, Roberta Tamondong, Gab Basiano, Boobsie Wonderland, Donita Nose, at Sam Verzosa.

WILLIE goes viral for CONTROVERSIAL videos

Pero hindi nakaligtas si Willie sa mga batikos ng netizens sa simula pa lamang nito.

Nag-viral ang video clips mula sa episodes ng game show. Ipinapakita rito ang panenermon ni Willie sa kanyang staff dahil sa kanilang mga pagkakamali.

Dismayado ang netizens dahil sa anila ay pamamahiya ng TV host sa kanyang staff members on national TV.

Sa isang episode, nagpaliwanag naman si Willie na pinapagalitan niya ang pagkakamali ng kanyang staff dahil nagre-rehearse muna sila bago umere at nais niyang mapaganda ang programa.