
Mikee Quintos still friends with ex-boyfriend Paul Salas
Nananatiling magkaibigan si Mikee Quintos at ex-boyfriend nitong si Paul Salas matapos nilang maghiwalay.
Nang makausap ng media si Mikee noong October 2024, ibang-iba pa ang pananaw niya noon sa pag-ibig.
“Ang dami nang nagbago,” pagsang-ayon ng Kapuso actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, June 10, 2025.
Bakit niya ito nasabi?
Saad ni Mikee, “Hindi ko po… hindi ko po masasagot yun. Si Lord makakasagot niyan. Hindi ko kayang sagutin yan.”
Ano ba ang nangyari sa relasyon nila ni Paul?
“Sa amin na lang po yun. I shared what I wanted to share na at okay na po ako doon,” pag-iwas ni Mikee.
Pero okay naman sila ni Paul?
Sagot ng aktres, “Okay kami, yes.
“We’re still working together. May movie pa po kaming ginagawa.
“Dalawang araw pa yun. So, di puwedeng hindi kami okay, may work pa kami.”
Ang tinutukoy ni Mikee na movie ay ang Sweet As Chocolate.
LIFE IS NOT A RACE
Kumusta ang puso niya ngayon?
“Okay na,” matipid niyang sagot.
Hindi naman daw naghahanap si Mikee ng bagong pag-ibig sa ngayon.
Tutok daw muna siya sa kanyang karera dahil, “I feel really blessed.”
Ayon pa kay Mikee, hindi isang karera ang buhay para magmadali.
Ngayong 27 na ang aktres, tinatanong ng iba kung anong edad siya lalagay sa tahimik.
Saad ni Mikee tungkol dito: “Ang paniniwala ko naman po, hindi racing ang buhay.
“Just like, I think, best example dun yung college ko, ten years kong tinapos ang architecture. Pero at least natapos.
“E, yun yung akin na parang, yun lang naman po yung paniniwala ko.
“Kanyang-kanya tayo ng timing sa sarili nating journey.
“So, as long as we grow and we learn from our experiences sa sarili nating life, yun yung importante, di yan racing.”
Sa ngayon daw ay sobra siyang masaya sa kanyang buhay.
“I am. I will always be happy.”
Eksklusibong nakausap ng PEP si Mikee sa World Gin Day 2025 na pinangangasiwaan ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa Diamond Hotel, Manila, noong June 10.

Photo/s: PR Photo
MIKEE ON ENDORSING HARD LIQUOR
Masaya si Mikee na isa siya sa ambassadors ng Ginebra San Miguel.
Katunayan, ikatlong taon na niya ngayon sa nasabing brand.
Sabi niya: “I really like how Ginebra takes care of us kasi di naman ako magbabalik-balik ng tatlong taon kung hindi nila kami inaalagaan.
“And totoo naman na gin drinker po ako, so hindi mahirap i-endorse.”
Ayon kay Mikee, ang pag-inom ng gin ay bahagi ng kanyang relaxation sa bahay.
Aniya, “Opo. Relax lang sa bahay with my sisters.”
Ito rin ba ang pantanggal niya ng stress?
“Actually, hindi lang pang-stress. Like I said earlier, gin is one of the most versatile drinks out there.
“Kaya mapa-celebration man yan or kung gusto mong umiyak, bagay ang gin sa lahat ng samahan,” sabi ni Mikee.
Source: Mikee Quintos still friends with ex-boyfriend Paul Salas