Mikee Morada reveals third miscarriage with wife Alex Gonzaga
Inamin na ni Mikee Morada, 37, na nagkaroon muli ng miscarriage ang asawang si Alex Gonzaga, 37.
Ito ang rebelasyon ni Mikee sa panayam niya sa Toni Talks, na pinost sa YouTube ngayong araw, January 26, 2025.
Ang Toni Talks ay ang online talk show ni Toni Gonzaga, na kapatid ni Alex.
November 2020 nagpakasal sina Alex at Mikee. Simula noon ay dalawang beses na silang nakaranas ng miscarriage.
Nitong December 2024 naman nangyari ang pangatlong insidente nito.
“Nung nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman.
“Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound,” kuwento ni Mikee sa Toni Talks.
Sa kasamaang-palad, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ni Alex.
“Hanggang dun sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nung doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit,” pagpapatuloy ni Mikee.
Ayon sa webmd.com, ang blighted ovium ay tumutukoy sa pag-develop ng fertilized sa uterus ngunit hindi natutuloy sa embryo.
Tinatawag din daw itong “anembryonic” o “no embryo” pregnancy at kadalasan ay nauuwi sa miscarriage.
MIKEE MORADA ON GETTING A SECOND OPINION
Pero hindi agad sinukuan ng mag-asawa ang magiging first baby sana nila.
Nagpa-second opinion sila sa ibang OB doctor.
Sa consultation na ito ay nalaman nilang may mahinang heartbeat ang baby sa tiyan ni Alex.
Naluha raw si Mikee nang marinig niya ito.
“Naiyak ako nung narinig ko yung heartbeat,” sabi niya. “First time kong nakarinig ng heartbeat sa third try.”
Pero mahina lang raw ang heartbeat.
“Nalaman namin na mababa yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, triny namin habulin, baka ma-save pa yung baby,” saad ni Mikee.
THIRD MISCARRIAGE
Pero hindi pa rin naka-survive ang sanggol.
Sa sumunod na consulation ay wala na ang heartbeat ng baby.
Sinubukan daw ni Alex na maging malakas sa kabila ng insidenteng ito.
“Strong siya, e. Pero nung umuwi kami ng gabi, dun siya nagbe-breakdown,” pagtuloy ni Mikee sa misis na si Alex.