Melai Cantiveros, sinagot ang aligasyong scripted ang PBB

– Sinagot ni Melai Cantiveros ang mga espikulasyong scripted ang PBB sa isang media conference para sa ika-11 season ng show

– Pinabulaanan ni Melai ang mga akusasyon at pabirong tinukoy ang kanyang relasyon at mga anak kay Jason Francisco

– Kilala si Melai sa mga palabas tulad ng ‘Magandang Buhay’ at ang bagong Visayan talk show na ‘Kuan-On-One’

– Ang PBB ay nakatanggap ng 35,906 audition entries para sa bagong season ngunit iilang piling auditionees lamang ang makakapasok sa PBB house

Sa media conference para sa ‘PBB: Gen 11,’ ang ika-11 na season ng hit reality show na ‘Pinoy Big Brother,’ diretsahang sinagot ni Melai Cantiveros ang matagal nang usap-usapang scripted ang palabas.

Melai Cantiveros, sinagot ang aligasyong scripted ang PBB
Melai Cantiveros, sinagot ang aligasyong scripted ang PBB
Source: Facebook

Pinabulaanan ni Melai ang mga akusasyon na ang mga pangyayari sa loob ng PBB house ay predetermined o dinidirekta ng mga producer.

“Hindi talaga scripted dito . Kung scripted kami ni Jason, magka-dalawa ba kaming anak?” pabirong sabi ni Melai, na tinutukoy ang kanyang asawang si Jason Francisco, na kanyang nakilala at nakatuluyan bilang housemate sa PBB. “Hanggang ngayon dumadrama pa kami?”

Read also

Driver ng dalawang suspek sa pagpaslang sa magkasintahang Geneva at Yizhak, sumuko na

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong taon, nakatanggap ang PBB ng nakakamanghang 35,906 audition entries sa pamamagitan ng StarHunt, ang audition platform ng ABS-CBN. Gayunpaman, iilang piling auditionees lamang ang magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa loob ng PBB house at maging bahagi ng ika-11 season nito.

Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Robi Domingo, iginiit na “Kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin”

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang “Best Enemy.” Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!