Mayora Caluag at Mylen Pineda-Cayabyab for CSF mayor

Nitong nakaang Lunes, nagsumite ng Certificate of Candidancy (CoC) sina Board Member 2nd district ng Pampanga si Mylyn Pineda-Cayabyab at reelectionist Vilma Caluag.

Nagmukhang piesta ang pag-sumite CoC ni Pineda-Cayabyab dahil isang mahabang parada ang ginawa ng kanyang mga suporter na pawang may suot na white T-shirt.

Halos 8am nang magsimulang maglakad si Pineda-Cayabyab kasama ang kanyang mga suporte mula Provincial Capitol hanggang sa city proper ng City of San Fernando.

Isang misa sa Metropolitan Cathedral ang isinagawa para kay Pineda-Cayabyab na kung saan si Archibishpo Paciano Aniceto ang nagsawa ng misa.

Pagkatapos ng misa, isa isang kandidato para konsehal ang nagsumite ng kanilang CoC sa Commission on Elections (Comelec) sa City hall maging ang reelectionist na si Councilor BJ “tiger” Lagman.

Siyempre pagkatapos ni Lagman si Pineda-Cayayab ang nagsumite ng CoC. Kasama ni Mylyn ang kayang asawa, tatay na si negosyanteng Rodolfo “Bong” Pineda, kapatid na si Gobernador Dennis Pineda. Ang nakapagtataka dito bakit di nito kasama ang kanyang nanay na si Vice-Gov Lilia Pineda??? Nagtatanong lang po….

Kumpleto ang konsilor ni Pineda-Cayabyab at halos mga konseha ni reelectionist si Mayora Vilma Caluag. Kaya naman nang magsumite ng kandidatora ng CoC si Caluag wala na itong bise alkalde at isa na lamang ang kanyang konsehal.

Si Caluag ay Indepent Party samantalang si Pineda-Cayabyab ay partido ng KAMBILAN.

Maraming mga Fernandinos/Fernandinas ang nagtataka kung bakit iniwan si Mayora Caluag ng kanyang mga konsehala.

Isang malaking palaisipan sa mga Fernandinos/Fernandinas ang pag-lipat ng mga City Councilors at vice mayor ni Calaug sa kanyang katunggalin nitong 2025 elections.

Ano ba ang nangyari sa mga City Councilors??? Ayaw na nila ba ang kanilang City Mayor??? Sino ba ang may sala??? Nagtatanong lang po…

Ret. Gen. Albayalde para AC mayor

Noong Lunes, si dating Chief PNP General Oscar Albayalde nagsumite na rin ng kanyang CoC sa Angeles City Comelec para city mayor.

Buo ang mga councilors ni Albayalde nang magsumite ito ng kanyang CoC.

Sabi ng mga bodante ng Angeles City, isang malaking hamon kay Gen. Albayalde dahil mga pamilya ng Lazatin ang kanyang nakalaban na mahirapn daw talunin sa lungsod.

Si Rep. Jon-Jon Lazatin ng 1st district of Pampanga ang katungguli ni Albayalde sa pagka-alkalde ng lungsod.

Nang tanungin si Gen. Albayalde ng ilang Reports, sabi niya “kung di ko susubukan paano ko mamalaman.” Ito ang malinaw na pahayag ni Gen. Albayalde.

“Baka gusto ng pagbabago ang mga Angelenos” dagdag pa ni Gen. Albayalde.