Maya Henry, binalaan daw ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang sinulat nyang libro

– Inamin ni Maya Henry na binalaan siya ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang kanyang nobela dahil sa maselang kalagayan ng singer

– Inilabas ni Maya ang nobelang Looking Forward na pinaghihinalaang hango sa kanyang relasyon kay Liam Payne

– Sinabi ni Maya na isang kaibigan ni Liam ang nagbabala na maaakusahan siya ng mundo kung may mangyari sa singer

– Nagkaroon ng on-and-off na relasyon sina Liam at Maya mula 2019 hanggang 2022 bago sila tuluyang naghiwalay

Matapos ang pagpanaw ni Liam Payne, muling lumutang ang isang interview clip kung saan inamin ng kanyang ex-fiancée na si Maya Henry na binalaan siya ng mga malalapit kay Liam na huwag ilabas ang kanyang nobela.

Maya Henry, binalaan daw ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang sinulat nyang libro
Maya Henry, binalaan daw ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang sinulat nyang libro
Source: TikTok

Nitong taong ito, inilabas ni Maya, 23, ang isang fictional na nobela na pinamagatang Looking Forward, isang kwento na inaakala ng mga tagahanga na hango sa kanyang relasyon kay Liam; subalit, hindi ito kinumpirma ni Maya.

Read also

Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw

Sa mga panayam para sa kanyang libro, sinabi ni Maya na isang kaibigan ni Liam ang tumawag sa kanya at sa kanyang ina upang ipaalam na nasa maselang kalagayan ang singer noong mga panahong iyon at pinayuhan siyang huwag muna ilabas ang nobela. “This isn’t a good time for him. I don’t think you should put the book out. He’s not doing well,” ito daw ang sinabi sa kanya ng kaibigan ng ex nya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Maya, ang kaibigan ni Liam ay nagbabala, “And if something happens to him, not only are you going to blame yourself but the whole world’s going to blame you”,’

Nagkaroon ng on-and-off na relasyon sina Liam at Maya mula 2019 hanggang 2022. Ipinahayag nila ang kanilang engagement noong Agosto 2020 matapos silang magsama noong lockdown ng COVID-19.

Read also

Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: “Akala ko safe ako”

Gayunpaman, hindi nagtagal ang kanilang relasyon at inamin ni Liam na siya ang may kasalanan sa kanilang paghihiwalay.

Nabuo ang One Direction noong 2010 nang sumali ang mga kabataang sina Payne, Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson, at Zayn Malik sa palabas na “The X Factor” sa UK. Noong 2016, inanunsyo ng grupo ang kanilang indefinite hiatus, ngunit hindi tuluyang paghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!