May magandang balita sa mga manonood, ipapasilip na ang bagong studio sa Madlang Pipol sa It’s Showtime!

Ang pagdiriwang ng kaarawan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ngayong taon ay talagang magiging espesyal dahil sa unang pag-ere ng It’s Showtime sa GMA7. Dobleng selebrasyon ang mangyayari sa April 6, 2024 dahil sa pagsabay ng birthday episode ni Vice Ganda at ng unang episode ng It’s Showtime sa Kapuso Network.

Inaasahan ang bonggang pasabog mula sa mga host ng show para sa espesyal na episode. Marami na ngayon ang nag-aabang sa kung sino ang mga Kapuso artists na magiging kasama ni Vice Ganda sa unang episode ng It’s Showtime sa GMA7.

May mga usap-usapan rin na ang rumored couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu ay sasalang sa segment ng It’s Showtime na Expecially For You sa parehong petsa. Hindi pa tiyak kung makakasama rin si Xian Lim sa nasabing segment o sina Kim at Paulo lamang.

Sa gitna ng mga pag-uusap, sinabi ni Kim Chiu na wala siyang problema na makatrabaho si Xian Lim sa It’s Showtime o sa iba pang proyekto. Bukas daw siya sa pagtatrabaho kasama ang kanyang dating kasintahan.

Sa haba ng pangyayari, tiyak na magiging espesyal at makulay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Vice Ganda kasabay ng kanyang paglipat sa GMA7. Ang pag-ere ng It’s Showtime sa GMA Network ay tiyak na magiging isang milestone sa kanyang karera sa showbiz.