Mark Andrew Yulo wants to end rift with son Carlos, Chloe

Nais nang wakasan ni Mark Andrew Yulo ang hidwaan ng kanilang pamilya kaya hiniling niya sa anak nitong si two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose na mag-usap sila.

Nais ding idiiin ng ama ni Carlos na hindi totoo ang bintang ng magkasintahan na “magnanakaw” ang ina ng gymnast na si Angelica Yulo.

Ngunit ayon kay Mark, hindi sinasagot nina Carlos at Chloe ang kanyang tawag, at hindi rin daw siya tinatawagan ng dalawa.

Ang mga impormasyong ito ay galing sa Facebook comments ni Mark sa Facebook post ni Carlos.

mark yulo TELLS CARLO TO APOLOGIZE TO HIS MOTHER

Sa Facebook kahapon, Miyerkules, September 4, 2024, nag-post si Carlos ng balita na siya ay bibiyahe pabalik ng Paris para suportahan ang mga atletang lumalaban sa Paris Paralympics 2024.

Sabi ng champion gymnast sa caption, “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Dito ay nagkomento si Mark na masaya siya sa narating ng anak.

Pero, kailangan daw muna nitong mag-sorry sa inang si Angelica Yulo na diumano ay tinawag niyang “magnanakaw.”

Aniya, “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo”

Ang girlfriend ni Carlos na si Chloe ang sumagot kay Mark.

Ayon sa kanya, alam niyang hindi ang ama ni Carlos ang nagkomento nito kundi ibang tao.

Pahiwatig ni Chloe, ibang tao ang nagkomento nito.

Saad niya, “Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))

“sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy

“pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))

“sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy

“kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay.

“dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sakanila.

“matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?

“pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po.

“godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM”

MARK YULO TO CHLOE SAN JOSE:

Sumagot si Mark kay Chloe.

Tinatawagan daw niya sina Carlos at Chloe ngunit hindi sinasagot ng magkasintahan.

Unang sabi ng ama ni Carlos, “tinatawagan ko kayo ni Caloy ayaw Nyo sumagot”

Mark Yulo answers Chloe San Jose's comment

Ikalawang komento ni Mark, “ako yan tawagan now gusto Mag kaayos at maliwanaga silang lahat”

Mark Yulo answers Chloe San Jose's comment

Makalipas ang ilang sandali, hindi pa rin daw siya tinatawagan ni Chloe o ni Carlos.

Dagdag niya, “bakit ayaw Nyo tumawag ngayun wait ko tawag Nyo para malaman na nila na sinabihan ni caloy ang nanay nya na mag nanakaw wait ko tawag Nyo”

Mark Yulo answers Chloe San Jose's comment

Ngunit walang tawag mula kina Chloe at Carlos na natanggap si Mark.

Kaya sabi nito, “ASan na yung tawag nyo yung mga bintang ninyo sa nanay ni Caloy puro ksinu galingan dapat maayus na to”

Mark Yulo answers Chloe San Jose's comment

Hindi na siya sinagot ni Chloe.

READ MORE: