Marjorie Barretto, Linda Gorton bonding with Dennis children

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama sa isang salu-salo sina Marjorie Barretto at Linda Gorton, at ang kani-kanilang mga anak.

Iisa lang ang ama ng mga anak nina Marjorie at Linda: ang comedian na si Dennis Padilla.

Sa Instagram nitong Martes ng gabi, Mayo 20, 2025, ibinahagi ni Linda ang ilang larawan na kuha sa kanilang pagkikita ni Marjorie.

Makikitang kasama ni Linda ang mga anak niyang sina Gavin at Maddie Baldivia.

Si Marjorie naman ay kasama ang tatlong anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon.

Linda Gorton (leftmost) with her children Gavin and Maddie Baldivia (2nd and 3rd from left) and Marjorie Barretto (rightmost) with her children Julia Barretto (2nd from right), Claudia (3rd from right) and Leon (2nd from left) during their bonding and get

Linda Gorton (leftmost) with her children Gavin and Maddie (front row) and Marjorie Barretto (rightmost) with her children (beside her, from right) Julia, Claudia, and Leon.

Photo/s: Courtesy: Instagram

Kuha ang larawan sa birthay celebration ni Linda.

MARJORIE AND LINDA, DENNIS PADILLA’S EXES, ARE FRIENDS IN REAL LIFE

Noong May 16, ipinagdiwang ni Linda ang kanyang ika-40 kaarawan.

Si Linda ay dating partner ni Dennis, at mayroon silang dalawang anak.

Isa sa mga bumati sa kanya ay si Marjorie, na ex-wife naman ng aktor. Mayroon silang tatlong anak.

Ibinahagi ni Linda sa Instagram ang larawan nila ni Marjorie.

Naging daan ito upang malaman ng publiko na magkaibigan pala sila sa totoong buhay kahit na sila ay parehong nakahiwalayan si Dennis.

Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Linda, napaaga ang birthday gift na natanggap niya dahil sa pagkikita nila ni Marjorie at upang magkakilala ang kani-kanilang mga anak.

Saad niya, “This was a birthday gift received earlier than expected. Our children had such a wonderful time.

“It was so nice to see them all talk, laugh and joke around like they’ve always been together. And it was really a beautiful thing to watch”

Mensahe niya kay Marjorie: “But mainly, I would like to greet you a belated happy birthday Marj! You are truly an exceptional woman.

“I admire your courage and strength. And how you face challenges with determination and grace. Wishing you all the dreams your heart desires”

Maraming natuwang netizens sa nakita nilang mga mukhang tanging meron lamang ay kaligayahan.

Sabi ng isa, “Wow! God can put together something broken to one beautiful thing. Blessings to all. May God shower this blended family His unceasing grace. Happy birthday, dear Linda. Hope to see on this side of the globe.”

Netizen on Linda Gorton's post



Source: Marjorie Barretto, Linda Gorton bonding with Dennis children