
Marjorie Barretto, Linda Gorton are friends in real life
Lingid sa kaalaman ng marami, magkaibigan pala ang dalawang babae sa buhay ng comedian na si Dennis Padilla — sina Marjorie Barretto at Linda Gorton.
Si Marjorie ay ex-wife ni Dennis.
Mayroon silang tatlong anak: sina Julia, Claudia, at Leon.
Si Linda ay ex-partner ni Dennis.
Mayroon silang dalawang anak: sina Gavin at Maddie
MARJORIE TO LINDA: “It’s been wonderful getting to know you.”
Sa Instagram ngayong Biyernes, May 16, 2025, nag-upload si Marjorie ng dalawang larawan nila ni Linda na kuha sa isang restaurant.
Hindi bagong kuha ang larawan, pero binati ni Marjorie si Linda sa kaarawan nito.

Photo/s: Courtesy: Instagram
Ayon kay Marjorie, ikinagalak niyang nakilala si Linda.
Kahit sa Australia nakatira si Linda, hindi raw ito naging hadlang upang lalo nilang makilala ang isa’t isa.
Binanggit din ni Marjorie na magkikita silang muli nitong katapusan ng buwan ng Mayo.
Mahihinuhang nagkapalagayan ng loob ang dalawa nitong mga nagdaang taon kahit pareho silang nagkarelasyon at nagkaanak kay Dennis.
Buong mensahe ni Marjorie: “Happy Birthday to my beautiful friend Linda. It’s been wonderful getting to know you.
“Our late night 2 hour FaceTime calls are never enough. Cant wait to see you end of May.
“Let’s celebrate our birthdays together! @lindamarie_gorton“
Sa May 19 magdiriwang ng kanyang kaarawan si Marjorie.
Natuwa naman si Linda sa pagbati ni Marjorie.
Mensahe niya: “This is so sweet of you Marj.
“True, we always have a good laugh and meaningful conversations.
“Thank you for being so kind and thoughtful. Hugs and kisses to you and the kids.
“And yes, let’s celebrate soon (cheers emoji) @marjbarretto“

Bumati rin kay Linda si Leon at ang isa pang anak ni Marjorie na si Dani Barretto.


Pinuri naman ng isang netizen ang pagiging magkaibigan ng dalawa kahit may pinagdaanan silang “shared pain.”
Buong komento ng netizen: “OMG, they really look alike! What a beautiful sight to see them together.
“This moment speaks volumes—there’s one undeniable common denominator behind their shared pain. But look at them now—stronger and thriving without him.
“The man who failed to support his own children and caused them so much hurt should seriously reflect on himself.
“He is, without question, the root of all their pain and disappointments.”

Sina Marjorie at Dennis ay kapwa tumakbo bilang konsehal sa Caloocan City nitong 2025 elections. Ngunit sa kasamaang-palad ay pareho silang natalo.
Source: Marjorie Barretto, Linda Gorton are friends in real life