Mariel Padilla, Nilinaw na ang natanggap niya ay “Vitamin C Drip” at hindi “Gluta Drip.”


Nakiusap si Mariel Rodriguez Matapos ang Pambabatikos sa Ginawang Paggamit ng Gluta Drip sa Loob ng Opisina ni Senator Robin Padilla sa Senado

Naglabas ng pahayag ang aktres at host na si Mariel Rodriguez matapos siyang masabihan ng pambabatikos dahil sa ginawa niyang pagpapagluta drip sa loob ng opisina ni Senator Robin Padilla sa Senado.

Maraming komento at pambabatikos ang natanggap ni Mariel mula sa mga netizens matapos niyang ibahagi sa kanyang social media ang larawan niya habang nagpapadrip sa opisina ng kanyang mister na si Robin Padilla sa Senado.

Si Mariel Rodriguez ay dumalo sa pagpasa ng Eddie Garcia Bill sa Senado upang magpahayag ng suporta sa kanyang mister na si Sen. Robin Padilla. Pagkatapos ng miting, ibinahagi ni Mariel sa kanyang Instagram account ang gluta-drip na ginawa niya sa loob ng opisina ng kanyang mister.

Sa kanyang caption, ipinaliwanag ni Mariel Rodriguez na naka-schedule siya para sa isang drip sa isang clinic ngunit late na siya sa miting sa senado kaya naman nagpasya siyang gawin na lamang ito sa opisina ng kanyang mister.

Matapos ang mga negatibong reaksyon, agad namang binura ni Mariel Rodriguez ang kanyang post ngunit patuloy pa rin siyang binabatikos ng mga netizens.

Marami ang nagsasabing nawalan ng delikadesa si Mariel Rodriguez at hindi niya nirerespeto ang opisina ng kanyang mister na kanyang pinapaswelduhan.

Dahil sa pambabatikos, nagdesisyon si Mariel Rodriguez na magbigay ng pahayag at linawin ang kabuuang detalye ng kanyang ginawang procedure sa loob ng opisina.

Ipinaliwanag ni Mariel na nagpunta siya sa Senado upang suportahan ang trabaho ng kanyang mister sa kabila ng busy schedule bilang asawa, in, at online seller. Nais niyang suportahan ang trabaho ng kanyang asawa na alam niyang mahalaga para sa kanya.

Nilinaw rin niya na ang natanggap niya ay Vitamin C Drip at hindi Gluta Drip sa pamamahala ng isang propesyonal na nurse.

Iginiit ni Mariel na intensyon niya sa pagbahagi ng larawan ay upang mag-inspire sa mga netizens na kahit gaano sila kabusy, kailangan pa rin nilang bigyan-pansin ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pag-inom ng bitamina.

Hindi rin umano niya intensyon ang siraan o pababain ang integridad at dignidad ng Senado.

Humihingi rin si Mariel ng paumanhin sa mga nasaktan, kasama na ang mga kasapi at staff ng Senado at ang publiko.