Marian Rivera Left Devastated Over Outcome of Asoka Challenge Video!

Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang panibagong video na ibinahagi ng primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang mga social media accounts na humahakot ng mga view ngunit nakakalipas ang ilang sandali ay burado na ang nasabing video ni Marian Rivera.

Marami naman sa mga tagahanga ni Marian Rivera ang nagtataka kung bakit kaagad itong binura ng aktres gayung humahakot naman ito ng maraming views.

Bukod pa rito, may pa teaser pa si Marian Rivera sa kanyang social media account bago ilabas ang kanyang asoka challenge na siyang nagpasabi sa kanyang mga tagahanga. Pahiwatig rin ito ng aktres na talagang excited siyang ipakita muli sa publiko si MariMar.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens na naging iconic ang pagganap ni Marian Rivera bilang si MariMar dahil dito siya labis na sumikat.

Labis na napahanga ni Marian Rivera ang mga netizens sa ibinahagi niyang make up transformation subalit ang nakakalungkot ay nirestrict ang nasabing video ni Marian Rivera dahil sa copyright issue.

Labis itong ikinalungkot ng mga tagahanga ni Marian Rivera dahil nanghihinayang sila sa video. May mga nagpayo naman kay Marian Rivera na gamitin ang version ni Regine Velasquez ng kanta para hindi ito ma-copyright.

Tila sinubukan naman itong lahat ni Marian Rivera ngunit ganoon pa rin ang nangyayari at patuloy pa rin itong tumakbong namo-mute na labis niyang ikinalungkot.

Sa kabilang banda, patuloy namang humahakot ng views ang video ni Marian Rivera sa ibang mga social media platforms patunay lamang na marami ang humahanga sa aktres.