
Manilyn Reynes, Aljon Jimenez choose to keep family life private
Nananatiling pribado ang personal na buhay ng mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez mula nang sila’y ikasal taong 1996.
Ito ay sa kabila ng pagiging aktibo ni Manilyn sa showbiz, at paminsan-minsan ay lumalabas pa rin sa telebisyon si Aljon.
Si Aljon ay sumikat noong ’90s bilang matinee idol.
Ayon kay Manilyn, “hiniling” talaga nilang maging malayo sa mapanghusgang mata ng publiko.
Saad niya: “Oo, hiniling talaga namin ganun. Okay lang na ako na lang yung nasa camera.
“Although ang daming offers ni Aljon, na lumabas ulit, sa mga soap, ganyan.
“Pero pinag-iisipan naman niya. Hindi naman niya totally sinasara ang pintuan per shows.”
Si Aljon rin ang tumatayong manager ni Manilyn.
Lahad ni Manilyn, “Actually, si Aljon ang manager ko, e.
“So, siya talaga ang kinakausap for everything, para sa trabaho.
“At hindi lang yun. Napakagaling, napakabait na tatay at napakabait na asawa.”

Photo/s: Courtesy: Instagram
Sina Manilyn at Aljon ay may tatlong anak na lalaki — sina Kyle, Kirk, at Kael.
Ayon pa kay Manilyn, “We know what we really like, di ba? Alam namin kung saan kaming direction papunta.
“Hindi yung, ‘Gawin natin to, ayoko to.’ Alam mo kaagad na gagawin natin to because gagawin natin to.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn sa set ng Pepito Manaloto sa Quezon City nitong Huwebes, May 29, 2025.
Naimbitahan ang ilang media, kabilang na ang PEP.ph, para sa isang panayam sa cast para sa kanilang ika-15 anibersayo.
Masaya ang buong cast dahil hindi nila akalaing magtatagal sila ng labinlimang taon sa ere.

Photo/s: Arniel Serato
MANILYN REYNES-ALJON JIMENEZ MARRIAGE
Sa halos tatlong dekada ng relasyon nina Manilyn at Aljon, wala ni minsan napabalitang away o isyu sa kanila.
Paano nila ito nagawa?
Sagot ng singer-actress: “Ah, wala. Ayaw ng Diyos, wala.
“Basta laging mag-uusap, laging may respeto sa isa’t isa, laging makikinig.
“Kung wala ka mang sasabihin, pakinggan mo, di ba?
“Di naman kailangang magsalita. Kung hindi mo feel magsalita, pero mag-ingat ka kase importante.
“Kasi ito yun, e,” sabi ni Manilyn, habang itinuturo ang kanyang puso].”
Mapapanood ang Pepito Manaloto tuwing 7:15 ng gabi sa GMA-7.
Source: Manilyn Reynes, Aljon Jimenez choose to keep family life private