Malaking buhawi, nanalasa sa China

CAUAYAN CITY- Nanalasa ang isang malaking buhawi sa Dongming, Shandong Province sa China nitong Biyernes.

Dahil dito ay napinsala ang ilang kabahayan at ilang taniman gayundin ang nasawi ang isang indibidwal.

Hindi naman bababa sa pitumput syam ang naitalang sugatan matapos matamaan ng mga debris at patuloy na nagpapagaling.

Kaagad namang naglabas ang China Meteorological Administration ng tornado warning sa Jiangsu Province.