Lucas, may madamdaming nasabi sa engagement ng kanyang Mommy Zeinab at Daddy Ray

– Isa si Lucas, ang panganay na anak ni Zeinab Harake sa mga labis na natuwa sa engagement ng ina at ni Ray Parks Jr.

– Mayroon itong mahalagang nasabi sa kanyang Mommy Zeinab at Daddy Ray sa engagement ng mga ito

– Agad din naman siyang sinang-ayunan ng kapatid na si Bia

– Talagang pinaghandaan ni Ray Parks Jr. ang bonggang proposal niya kay Zeinab Harake

Agaw pansin sa proposal video ni Ray Parks Jr. para kay Zeinab Harake ang madamdaming nasabi ni Lucas.

Lucas, may madamdaming nasabi sa engagement ng kanyang Mommy Zeinab at Daddy Ray
Bia, Zeinab, Lucas and Ray ( Zeinab Harake/ Nice Print Photography)
Source: Facebook

Si Lucas ang panganay na anak ni Zeinab na isa sa mga labis na natuwa nang malamang engaged na ang kanyang Mommy Zeinab at Daddy Ray.

“This is my dream,” ani Lucas nang makalapit na sila kina Zeinab matapos nitong mag-“yes” sa marriage proposal ni Ray.

“This is my dream too,” ang pagsang-ayon naman ng nakababatang kapatid nitong si Bia.

Read also

Daddy ni Zeinab kay Ray Parks Jr.: “I know you are the right man”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kitang-kita ang saya sa mga bata lalo na at talagang napalapit na ang loob nila sa kanilang Daddy Ray.

Saksi rin sa nakakakilig at nakakaiyak na proposal na ito ang pamilya nina Ray at Zeinab maging ang mga malalapit nilang kaibigan.

Umapaw ang emosyon sa naturang pagtitipon na tila inaasahan na ng lahat dahil sa tindi ng pagmamahalan ng dalawa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zienab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.1 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang “Kampon” na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby Ray Parks Jr. na tinatawag din nilang ‘Daddy Ray’ ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano’y pagtawag ni Ray kay Zeinab na “asawa ko.” Maging ang kulitan nila sa pagsasabing “i-announce na natin.” Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang ‘ready ka na ba sa prenup?’ at maging ang tungkol umano sa ‘wedding song.’

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!